Advertisers

Advertisers

Sanya naiyak at nadurog sa role bilang comfort woman

0 22

Advertisers

Ni Rommel Placente

NAGING emosyonal si Sanya Lopez at hindi niya talaga napigilan ang maluha nang maimbitahan siyang magsalita tungkol sa mapait na karanasan ng mga comfort women noong panahon ng World War 2.

Naging aware at malapit kay Sanya ang mga nangyari sa mga comfort women dahil sa ginagampanan niyang karakter sa Pulang Araw bilang si Teresita Borromeo na ginahasa.



Sabi ni Sanya,“Napakabigat po, ano, I mean, kanina pa sumasakit ang batok ko kaka-control ng nararamdaman ko. Artista lang naman ako, sa totoo lang, pero, ramdam ko ‘yung ipinaglalaban ng mga kababaihan natin dito.

“Naiiyak ako, ano ba ‘yan! Pero sa totoo lang po, ganito rin po ang naramdaman ko noong una ko silang nakasama. Very emotional po talaga ko sa ganito, kasi, totoo po ang nangyari sa kanila, sa mga kababaihan noong panahon po ng World War 2.”

Bago raw kasi niya gawin ang ‘Pulang Araw,’ personal niyang nakausap ang dalawa sa naging comfort women noong WW2.

“Konti na lang sila, kailan pa nila matatanggap ang hustisya?,” lahad niya na umiiyak.

“Pasensiya na po, noong nakausap ko rin po sila, sobrang durog na durog din po ako. Sobrang sakit po na marinig ang kuwento nila dahil totoo po ang nangyari sa kanila at hindi po biro.

“Sa mga lolang nakipaglaban, saludo po ako sa katatagan ninyo. Ito pong ‘Pulang Araw,’ asahan niyo po na isa po sa magiging boses ng mga comfort women. “At sana po, ang istorya ng ‘Pulang Araw’ ay makatulong sa mga ipinaglalaban.”



Naniniwala si Sanya na dahil sa nangyari sa mga lola noon na wala pa ring hustisya hanggang ngayon, tama lang daw na hindi makalimutan, kahit ng mga kabataan ngayon ang parte na ito ng history.

Pero natawa ito nang matanong kung paano kung may manligaw sa kanyang Japanese.

“If ever po, if ever naman po na maayos ang tao. Ginagalang po ako. Mahal niya ang bansa rin natin, wala naman pong problema. Tingin ko naman, kung ano man siya, kasi, wala naman siyang ginagawang masama sa atin.

“Ang guguwapo rin nila ha. Hashtag marupok. Ha ha ha!”natatawang sabi pa niya.