Ni Archie Liao
VIRAL ang candid shots ng surfing at pagtatampisaw sa tubig-dagat ng tambalang DonBelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa isang surfing spot.
Makikitang enjoy sila habang nakikipagsayaw sa mga alon.
Nagsabog din ng kilig feels ang kanilang pakikipaglaro sa dalampasigan.
Hinuha ng netizens, ang pagsu-surf ng dalawa ay preparasyon para sa kanilang roles at mga eksena sa follow-up project nilang “How To Spot a Red Flag” pagkatapos ng kanilang matagumpay na seryeng”Can’t Buy Me Love.”
Ang nasabing serye ay partnership project ng ABS-CBN at Viu na ipinoprodyus ng Dreamscape Entertainment.
Kasama rin sa light romantic drama sina Jameson Blake, Angel Aquino, Christian Vasquez, Benjie Paras, Mylene Dizon, Esnyr, at Kira Balinger.
Ito ay ididirehe ng seasoned director na si Dwein Baltazar.
Ito naman ang komento ng netizens hinggil sa nasabing proyekto ng DonBelle.
“Excited for this. After CBML, can’t get enough.”
“Sana naman hindi poor boy ang role ni Donny. Maiba naman. Parang di kasi bagay sa kanya ang mukhang taong grasa.”
“Napaka-wholesome ni Donny. Parang di naman siya red flag.”
“Parang magkapatid lang ang dalawa.”
“Ganito nakaka-miss na series sa kanila young & fun. ??”
“Mag-kuya vibes talaga sila for me. But I like them individually. Both intelligent when answering questions. And holistically seems like a nice person.”
“Looks fun! Gusto ko rin mag try but my balance is bad.”
“Parang nakaka-excite ang upcoming serye nila. Something light and fun naman.”