Advertisers

Advertisers

WALANG KAMATAYANG HEARING SA HOUSE AT SENATE, MERON BANG NARERESOLBA?

0 15

Advertisers

Sunud-sunod at walang kamatayang hearing ang naga-ganap sa Senate at House, ang tanong ay kung may nare-resolba ba naman?

Sa nasabing mga hearing, imbestigasyon o’ inquiry, tuwina at laging nasa limelight ang ilan mga senador at kongresista. Ito ay segun sa binibitawan nilang salita at tanong, kung ito ba ay may sustansiya o’ wala.

Kanya-kanya pasikatan , istilo ng pagtatanong at palundagan ang mga ito sa tuwinang magka-karoon ng ganitong kaganapan.



Katakot-takot na eskrimahan ng laway ang namumutawi sa pagitan ng mga senador at kongresista laban sa mga taong nakasalang, resource person at iba pang kumbidado ng bawat committee.

Kung minsan ay sila-sila na ang nagkakapikunan na kung saan y hinahamon na ang isa’t isa, nagmumurahan hanggang sa umabot na sa sukdulan na sila ay muntik ng magsuntukan.



Kung sa bagay ay hindi basta-basta at mahirap din talaga ang kanilang pinagdadaanan sa buong araw na kung minsan ay inaabot pa ng dilim.

Nadoon na ang pagod, pag-iisip, tiyaga at pagpipigil sa kanilang mga sarili depende sa tinatanong at sinasagot ng tao nilang iniimbestigahan.



Meron kasing mga pilosopo, sinungaling na kung minsan ay sila na ang pinapaikot at iniimbestigahan ng mga ito. Dito na sila nai-stress at dito na rin nasusukat ang kanilang pagtitimpi o’ self-control.

Kadalasan ay nawawala na ang kanilang composure at pagiging kalmado hanggang sa humantong na lamang sa i-contempt nila ang nakasalang bilang huling rekurso.

Di gawang biro ang kanilang dinadanas sa bawat pag-dinig dahil hindi naman karaniwang tao ang kanilang ini-imbestigahan. Halos lahat ng mga ito ay high profile, maraming koneksiyon at makapangyarihan.

Siguradong hindi mawawala ang banta sa kanilang buhay at pamilya dahil bukod sa makapangyarihan ay marami rin pera ang mga ito, kumpleto makinarya ika nga.

Ilan halimbawa ng mga taong kanilang iniimbestigahan ay sina dating Vice President Sara Duterte, ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, manugang nitong si Atty. Mans Carpio, Pulong Duterte, Senador Bong Go, Senador Bato de la Rosa at marami pang iba.

Sa dami ng mga taong kanilang nililitis, ang mga ito ay halos wala ng oras para sa kanilang sarili at pamilya. Meron rin namang kasong naresolba tulad ng kaso nina dating Bamban Mayor Alice Guo at Pastor Apollo Quiboloy na ngayo’y kasalukuyang nakapiit.

Kung tutuusin ay mas maraming kaso pa ang hindi pa tapos at ni hindi pa nauumpisahan dahil sa ang mga ito ay hindi na lang basta sumipot at may status na at-large.

Ilan sa mga ito ay sina dating Cong. Arnie Tuadles, dating BuCor Chief Gen.Gerald Bantag, dating Presidential Spokeperson Harry Roque at marami pang iba.

Wala namang ibang hinahangad ang sambayanan kundi maresolba at magkaroon sana ng resulta ang ang mga kasong pinag-ukulan nila ng oras at panahon.

Hanggang sa ngayon kasi ay wala pa ring naco-convict sa mga ito. May nakapiit nga pero nananatili pa ring inosente at kailangan pang dumaan muli sa paglilitis sa kaukulang korte na itatakda ng gobyerno.

Harinaway huwag daw sanang masayang ang sandamakmak na laway at sintimyentong naubos sa senate at house hearing. Sayang nga naman ang oras, abala at panahon na ginugol dito kung wala ring magiging resolusyon.