Advertisers
Nitong nakaraang Lunes (October 28, 2024) ay buong tapang na inilahad at pinatotohanan ni EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE sa harap ng SENATE BLUE RIBBON INVESTIGATION na mayroon siyang DEATH SQUAD sa WAR ON DRUGS noong panahon ng kaniyang administrasyon.., na bagama’t nagkokontrahan mismo ang kaniyang mga sinasabi ay hindi nito maiwasang aminin na siya mismo ang may pananagutan sa mga EXTRA JUDICIAL KILLINGS (EJK) na namayani sa kanyang naging pamamahala.
Ito ang unang beses na lumabas si EX-PRES. DUTERTE sa isang imbestigasyon hinggil sa drug war na iniutos ni SENATOR BATO DELA ROSA (pangunahing tagapagpatupad ng kampanya laban sa droga noong nakaraang administrasyon).., na simula pa lamang ay maraming nagdududa sa layunin ng imbestigasyong ito dahil si DELA ROSA mismo ay bahagi ng naturang kampanya at sa mata ng publiko ay isang taktika ito ng kampo ni DUTERTE upang harapin ang mas malalim na imbestigasyon ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) tungkol sa parehong isyu.
Iginiit ni DUTERTE na ang mga aksyon sa kanyang naging administrasyon ay tugon sa malubhang problema sa droga ng bansa.., na ayon sa kanya ay kinakailangan ng mabisang solusyon at bagaman itinanggi niya ang pagkakaroon ng DAVAO DEATH SQUAD na kilalang sangkot sa summary executions ng mga hinihinalang drug suspects sa DAVAO CITY noong siya ay MAYOR. Gayunman sa bawat matatanong siya ay tila bumabaling siya sa kanyang prepared speech at kinokontra ang sarili niyang pahayag.., kaya lumalabas tuloy ang kahinaan sa kaniyang pagdi-depensa.
Sa naturang pagtatanong ng mga SENADOR ay inamin ni DUTERTE na mayroon siyang sariling DEATH SQUAD na binubuo ng mga pulis at sibilyang mga operatiba.., naipunto nito na libo-libo ang nasawi dahil sa kanyang DEATH SQUAD noong siya pa ay MAYOR kasunod ang pagpapahayag nito na hindi siya natatakot na makulong dahil sa kanyang mga ginawa.
Sa naturang pagdinig ay kasama ni DUTERTE ang mga EX-POLICE CHIEF kabilang si SEN. BATO DELA ROSA.., na ang mga ito ay bahagi ng DEATH SQUAD at ang bawat aksyon ng grupo ay dumadaan sa kanya.., kaya naman sa reaksiyon ni DELA ROSA ay nagulat ito dahil hindi ito ang inaasahan niya nang ilunsad niya ang imbestigasyon.
Ang imbestigasyon ay upang linisin ang kanilang ranggo at iwasan ang mga akusasyon ng EJK laban sa kanya at kay DUTERTE.., pero lumabas mismo sa bibig ni DUTERTE ang katotohanan tungkol sa DDS at ang pananagutan nito sa libo-libong pagkamatay sa DAVAO at maging sa buong bansa nang siya ay naging PRESIDENT.
Sa litanya ni DUTERTE ay.., “I can make a confession now, if you want. Talagang nangyayari ito. Mayroon akong death squad, pero hindi ‘yang mga pulis”.., na ang ganitong pahayag ay nagpapatibay sa mga natuklasan ng CQC HEARING sa EJK noong panahon ng kanyang panunungkulan. Ang pahayag sa tinatawag na “DAVAO TEMPLATE” kung saan ginamit ang framework ng DDS upang ipatupad ang war on drugs sa ating bansa ay pinagtibay sa pag-amin ni DUTERTE.., na ang mga taong pumapatay ay hindi lamang mga pulis kundi mga sibilyan o mga vigilanteng mamamayan kapalit ng reward money o pera sa bawat patay.., at kinumpirma rin nito ang mga akusasyon sa AFFIDAVIT ni ARTURO LASCAÑAS na isang pulis at diumano’y miyembro ng DDS na nagdetalye ng framework ng war on drugs at kung paano ito inilunsad sa buong bansa.
Kahit ano pang pagtatangka nina DUTERTE at DELA ROSA na ipagtanggol ang kanilang sarili ay mumultohin pa rin sila ng kanilang nakaraan at ang pagdinig ng SENADO na unang inilunsad ni DELA ROSA para protektahan ang sarili at ang EX-PRESIDENT ay tila bumalandra sa kanila.., ika nga ay walang makatatakas sa katotohanan at ang katotohanang iyon ay nagmula mismo sa bibig ni EX-PRESIDENT DUTERTE!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.