Advertisers

Advertisers

Road closures at traffic rerouting scheme, ipatutupad sa Undas

0 10

Advertisers

INANUNSYO ni Mayor Honey Lacuna na magpapatupad ang Manila city government ng ilang road closures at traffic rerouting scheme dahil sa paggunita ng Undas.

Sinabi ni Lacuna na ang mga isinarang kalye patungo malapit sa Manila North Cemetery (MNC) ay magiging epektibo ng 12:01 a.m. ng October 30, hanggang 7 p.m. ng November 3, 2024.

Ang mga daang isasara sa traffic ay ang mga sumusunod: Aurora Boulevard mula Dimasalang Road hanggang Rizal Avenue; Blumentritt Road mula A. Bonifacio Road hanggang P. Guevarra Street at Retiro Street mula Dimasalang Road hanggang Blumentritt Extension; Maceda Street mula Makiling St. hanggang Dimasalang Road; Dimasalang Road mula Makiling St. hanggang Blumentritt Road at P. Guevarra St. mula Cavite St. hanggang Aurora Boulevard.



Ang mga motorista patungo sa La Loma at Chinese Cemeteries ay pinapayuhang gamitin ang Rizal Avenue or J. Abad Santos Avenue bilang entrance at exit (vice versa).

Lahat ng sasakyang mula Blumentritt Road ay maaaring kumanan sa Cavite Street, kanan sa Leonor Rivera patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga trailer trucks at heavy vehicles mula A.H. Lacson Avenue na gagamit ng Dimasalang Road ay maaaring dumiretso sa Yuseco Street patungo sa kanilang desinasyon at gayundin pagbalik.

Ang mga sasakyan mula Dimasalang Dimasalang Road na dumadaan ng Blumentritt Road ay maaaring kumanan sa Makiling Street diretso ng Blumentritt Extension patungo sa kanilang desinasyon.

Sinabi ni Manila Traffic and Parking Bureau chief Narciso Diokno na naglaan ang city government ng mga itinakdang parking areas para sa MNC visitors.

Ito ay ang:P. Guevarra St. mula Blumentritt Road hanggang Aurora Boulevard; F. Huertas St. mula Blumentritt Road hanggang Aurora Boulevard; Oroquieta St. mula Blumentritt Road hanggang Aurora Boulevard and Simoun St. mula Dimasalang Road to Blumentritt Street. (ANDI GARCIA)