KAHIT na hindi masilayan nang mismong malapitan na bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay ay nagkaroon naman ng pagkakataon ang mga persons deprived of liberty o PDLs na makausap ang kanilang pamilya sa Araw ng Undas.
Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor ) magpapatupad sila ng E-undas para sa mga PDLs kung saan maari silang tawagan o maka video call ng kanilang mga mahal sa buhay na bumibisita sa sementeryo.
Paliwanag ng BuCor, ang proseso sa E-Undas ay kapareho lang din ng E-dalaw kung saan makakausap ng mga PDLs ang kanilang mga kaaanak at ito ay supervised o binabantayan pa
rin ng kanilang mga tauhan.
Tiniyak din ng BuCor na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga gustong dumalaw sa mga bilanggo.
Bukod dito ay magsasagawa din ng Holy Mass sa tanggapan ng BuCor para naman sa paggunita sa lahat ng yumaong mahal sa buhay. (JOJO SADIWA)