Advertisers

Advertisers

Tara na, sama na kayo sa tambalang Isko at Chi

0 54

Advertisers

Kitang-kita naman kung paano puntahan ng mga tao ang caucus at mga townhall meeting ng ticket nina Yorme Isko Moreno Domagoso at Chi Atienza, at isipin: walang hakot dito.

Paano nga, nakasentro ang mga programang kanilang inihahain o inihanda para lutasin ang kahirapan, kawalan ng hanapbuhay at housing problem ng mga walang bahay atbp.

May people’s covenant ang tambalan nina Isko at Chi, na siyang daang tutuntunin ng kanilang gobyerno sa oras na sila ay maluklok sa Manila City Hall.



‘Yang mga korap, lagot kay Isko; ‘yang mga tongpats, patong-patong na kaso ang ireregalo kapag hindi nagpakatino ang mga kawaning pasaway sa Maynila.

Lahat ng uri ng kawalanghiyaan o kailegalan, pandaraya at panlilinlang ay wawakasan ni Yorme Isko at ang ipapalit ay ano: kabuhayan, kaunlaran at ang pagbabalik ng dating dangal at ningning ng Maynila na hinangaan ng mundo noong si Yorme ang nakaupong alkalde ilang taon na ang nakalilipas.

Nais mo bang muling maging pangunahing lungsod ang Maynila, aba, e tara na, sama na kayo sa krusada ng matinong pagbabago at muling pagbangon ng Maynila.
***
Nakakaamoy ng mabantot na pagkatalo, maraming lider at supporter ni Mayora Honey Lacuna ang kumakalas nang palihim at nagpapahatid ng pasabing nais nila na “mag-over da bakod” sa kampo ni Yorme Isko.

Bakit nangyayari ito?

Ayon sa mga political observer sa politikang Maynila, “nagsawa” na ang mga Manilenyo sa walang puknat na black propaganda at dirty tricks ng kampo ni Lacuna laban kay “incoming Mayor Isko Moreno.”

“Hindi na namin masikmura ang ipinagagawa sa amin… hindi na tama … mas takot kami sa Diyos at sa karma,” sabi ng isang lider ni Lacuna sa Sampaloc.



Anang isang lider ni Lacuna sa Tondo, sumama siya sa alkalde sa paniniwalang magiging disente at issue oriented ang magiging estilo ng kanilang pulong-pulong o paglagtag ng kanilang programa sa mga Batang Maynila, pero iba ang nangyayari pulos black propaganda laban kay Isko.

“Hindi iyon ang isyu sa Maynila kungdi kung paano namin mapahuhusay ang pamamahala sa cityhall, e ang nangyayari, bakit personal attacks ang ginawa namin, … nakunsiyensya na ako… ayoko na!” aniya.

Ayon sa iba pang supporter, napatunayan nila na pawang imbento lamang at galing sa “mala-demonyong” utak ang atake personal kay Yorme Kois.

“Isyu sana, programa at proyekto ang dapat na sabihin namin, pero hindi … nakakapagod ang walang tigil na paninira, at pag ganito ang magiging gobyerno uli sa cityhall, lalong lulubog sa utang at kahirapan ang mga katulad kong Manilenyo,” sabi naman ng isang ginang na pinuna ang mga personal na atake ng ilang kapitan ng barangay sa Sta. Cruz.
***
Mabuti naman at nakapokus ang tambalang Isko-Chi Atienza sa kung paano nila mababago ang Maynila – mula sa kaawa-awang itsura nito ngayon na napag-iwanan na naman ng mga katabing siyudad.

Naging madumi at mabaho uli ang Maynila, kulang sa magagandang kalsada at infrastructure at nawala na ang tiwala ng mga negosyante sa business climate kaya naglipatan uli sa Quezon City, Makati, Valenzuela, Pasig at iba pang kadikit na siyudad sa Metro Manila.

Ibabalik din uli ng tambalang Isko-Chi ang tiwala ng mga mamamayan sa pulisya ng Maynila na nitong nakaraang mga taon ay laging nasasangkot sa krimeng pangingikil etc. at pag-abuso sa kapangyarihan.

Isusulong ng Isko-Chi team na burahin ang maraming uri ng panlilinlang, kahirapan at panloloko sa mamamayan ng Maynila.

Ikinalulungkot ni Yorme Isko na hanggang ngayon ay walang malinaw na plano ang tropang Lacuna para mapaunlad ang Maynila.

“Kami ay mayroon nang nakakasang plano at disenyo para muling maibalik ang ganda, ningning at dangal ng Maynila; palalakasin nila ang partisipasyon ng taumbayan sa gobyerno dahil isusulong nina Isko at Chi ang transparency at lantad na mga transaksiyon at paggastos sa pera ng lungsod.

May plano na rin sila kung paano malulutas ang malalang housing problem at ang pagpaparami ng oportunidad sa trabaho at disenteng mapagkakakitaan ang mga Manilenyo.

“Mahalaga sa akin ang edukasyon,” sabi ni Yorme Isko kaya pag-iibayuhin niya konkretong programa para sa kabataan ng mga Batang Maynila.

Pero seryosong sinabi niya na ang tambalan nila ni Chi, kasama ang mga kandidatong konsehal, mga kongresista at mga lider nila ay magkakatulong upang maiahon sa kahiya-hiyang kalagayan ngayon ang Maynila na “kulelat na” sa larangan ng ekonomya, public service, tax collection at good governance.

Pakiusap ni Isko: “Samahan po ninyo ako at para magkita-tayo muli sa cityhall at nang mabago natin ang takbo at mukha ng Maynila.

“Pagbabago ang dala-dala namin ni Chi Atienza, at kasama namin kayo sa pagpapaunlad ng Maynila… dahil hindi nyo ako iniwanan sa lahat ng aking mga laban, ipaglalaban ko naman kayo, kasama si Chi upang mawala na ang madilim na kinabuksan ng Maynila.”

Teka: Kay Isko ka ba?

Bakeeet? Kasi panalo ka na!

Korek!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa [email protected].