Advertisers

Advertisers

Kahit minutong extension sa POGO sa Maynila ‘di bibigyan – Mayor Honey

0 52

Advertisers

TAHASANG sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na hindi papayagan ng city government ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na may operasyon sa lungsod, kahit pa legal, na mag-extend kahit ng isang minuto maliban sa itinakdang deadline ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Hinimok din ni Lacuna ang lahat ng POGO operators sa kabisera ng bansa, kung mayroon man na magbalot-balot na at wag ng hintayin pa ang huling araw ng ibinigay na deadline ng Pangulo bago lumisan ng bansa.

Matatandaan na sinabi ng Pangulo sa kanyang state of the nation address, sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na tapusin na ang lahat ng operasyon ng POGOs sa bansa sa katapusan ng taon.



Nanawagan din ang lady mayor sa lahat ng may-ari ng buildings kung saan mayroong POGO operators bilang tenants na bigyan na nila ito ng mga notice na ‘di na nila papayagan pang umiral ang operasyon nito dahil maituturing na ito bilang iligal.

Ang mga residente ng lungsod naman na mawawalan ng trabaho dahil dito ay hinikayat ng alkalde na maghanap-hanap na ng bagong trabaho. Ayon sa alkalde, ang pubic employment service office (PESO) sa pamumuno ni Fernan Bermejo ay palaging naglulunsad ng job fairs para sa mga nangangailangan ng trabaho.



Ang mga job offers na ito ay pinangangasiwaan ng PESO at bukas maging sa mga senior citizens atvpersons with disability (PWDs) at may mga mapapalad na agad na nakukuha on the spot.

Samantala, pinapurihan ni Lacuna ang ginawa ng Manila Police District and the Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) nang arestuhin nito ang may 69 na mga dayuhan at 47 Filipinos sa isinagawang raid sa commercial at residential establishment na pinanoniwalaang scam hub, sa Adriatico Street , Manila.



Kabilang sa mga naaresto ay 35 Chinese nationals, 11 Indonesians at 10 Malaysians. (ANDI GARCIA)