Advertisers
PINATAY ang kandidato sa pagka-mayor sa Capiz.
Kinilala ang nasawi na si Sonny Felarca, 60 anyos, mayoral candidate sa Mayo 2025 election sa Dumalag, Capiz.
Sa ulat, nasawi ang biktima nang pagbabarilin ng sariling kapatid na si Walter, 58; kapwa residente ng Barangay Duran ng nasabing bayan.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng Dumalag Police, nagkaroon ng argumento sina Sonny at Walter na humantong sa pamamaril ng nakababatang Felarca.
Mabilis na tumakas ang salarin, pero makalipas ang ilang oras ay sumuko rin ito sa mga awtoridad.
Inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa laban kay Walter.