Advertisers

Advertisers

‘Nadumihan na Cleveland!

0 9

Advertisers

May tumalo na sa Cavaliers noong Miyerkules kaya hindi na malinis ang rekord nila sa bagong season ng NBA.

Napigilan na ang Cleveland ng Boston, ang mahigpit nilang karibal sa Eastern Conference.

Statement game yon ng defending champs sa top team ngayon sa buong liga.



Kung nais nga naman ng Celtics na maka- 2 straight na titulo ay kailangan madaig nila sina Donovan Mitchell at mga kakampi.

Maganda ipinakita ng first five at mga pamalit ng Celtics kaya nakontrol nila ang laro.



Yung accomplishment nina Jayson Tatum at mga kasama ay pinako na sa 15 ang W ng rival.

Lumapit din sila sa numerong unong Cleveland (15-1). Ang standing nila sa pangalawa ay 12-3.



Nanatili sa kinse ang best start ng Cleveland. Kapantay nila ang 1993-94 Rockets at 1948-49 Capitols na No 2 sa kasaysayan. Una pa rin sa lahat ang 2015-16 na Warriors na naka 24-0.

***

Lumabas na ang laro ni Kai Sotto sa kauna-unahang panalo ng Gilas Pilipinas sa New Zealand noong Huwebes sa SM MOA.

Pinapanood sa atin ng higante ng pambansang koponan ang tunay niyang game sa opens a at depensa.

May 19 puntos, 10 na rebound at 7 na assist sa kangyang pinakamagandang naipakita bilang miyembro ng PH team. May crucial block pa yan.

Balik-sigla naman si Justine Brownlee sa kanyang 26 na naiskor at all around hustle sa W kontra sa Tall Blacks.

Lamang na tayo upang mauna magqualify sa FIBA- Asia sa isang taon sa Jeddah, Saudi Arabia.

***

Mag-break muna si LeBron James sa social media dahil sa sobrang negativity.

Oo magpapahinga muna si LBJ sa kanyang Instagram at X na dating Twitter na may kabuuang 200 milyon na followers.

Mahigit pa yan sa total na dami ng mga tao sa United Kingdom, Spain at France.

“It is too toxic here, “ wika ng all-time leading scorer ng NBA sa kanyang pamamaalam na mensahe.

Hindi lang natin tiyak kung habggang kailan kaya ng ama ni Bronny na manahimik.

Kasi nga batid natin na mapaghayag siya ng kanyang saloobin.