Advertisers

Advertisers

BENTAHAN NG ‘VAPE’ SA MGA BANGKETA TALAMAK SA QC

0 19

Advertisers

MISTULANG walang pakialam ang local government units ang talamak na bentahan ng vape products sa mga menor-de-edad na naglipana ngayon sa mga palengke, bangketa at mga over pass ng Quezon City.

Panawagan ng ilang concern citizen kay Quezon City Mayor Joy Belmonte aksyonan ito at tiyakin na walang access ang minors sa e-cigarettes sa gitna ng pagtaas bilang ng mga kabataang gumagamit nito.
Dapat atasan ni Mayor Belmonte ang kanyang Task Force Disiplina, na bumuo ng operational guidelines at bigyang-diin ang pagprotekta sa mga menor-de-edad, kabilang ang pag-aresto sa mga nagbebenta.

Sa ilalim ng RA 11900, ang legal na edad ng mga Pinoy para makakabili ng vape ay 18-anyos, at may mahigpit pang bilin na hindi dapat magbenta nito sa 100-meter radius sa mga eskuwelahan, over pass, palengke, playgrounds at iba pang lugar na pinamamahayan ng minors.



Dapat ring kumilos ang mga kapitan ng barangay maging si Quezon City Police District (QCPD) acting District Director PCol Melecio M. Buslig at CIDG Director PMaj Gen. Nicolas Torre III laban sa mga naglipanang vape o e-cigarettes kung saan nakakabili rito ay mga minors.
Iginiit kamakailan ng tagapagsalita ng PNP na si PIO Chief, PBGen. Jean Fajardo na hindi dapat maging depensa ng sellers na hindi nila kabisado ang edad ng mga bumibili.

Ayon sa datos ng PNP, may 6,714 minors ang inaresto mula Mayo hanggang Disyembre 2023, sa paglabag ng Executive Order No. 26, series of 2017, na nagbabawal sa pagsigarilyo sa public o enclosed places. Samantala, 1,902 naman ang dinakip sa paglabag ng RA 11900 o ­­“­An Act ­regulating the importation, manufacture, sale, packaging, distribution, use and communication of vaporized nicotine and non-nicotine products and novel tobacco products.



Ang pigurang ito ay nagpapakita ng dami o bilang ng mga tinedyer na gumagamit ng sigarilyo o vape.

Kaya marapat lang na i-revoke o i-cancel ni Mayor Belmonte ang business permits ng mga nagbebenta nito o di kaya’y sampahan sila ng kaukulang kaso.



Nanawagan din ang mga residente sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na kumilos laban sa mga naglipanang vape o e-cigarettes sa lungsod partikular sa mga over pass at bangketa ng Litex, Commonwealth Market, Barangay Commonwealth, Batasan Hills, Luzon ave, Cubao at Novaliches kung saan nakakabili rito ay mga minors.

Kailangan pa bang i-memorize ito Mayor Joy Belmonte, madam!

Subaybayan natin!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.