Advertisers
Maganda ang layunin ng PUBLIC UTILITY VEHICLE (PUV) MODERNIZATION PROGRAM para sa pagmimintina ng malinis na kapaligiran at hangin sa kapakanang pangkalusugan ng mamamayan.., subalit hindi marapat na burahin sa imahe ng ating bansa ang TRADITIONAL JEEPNEY na ito ang nagsisilbing TATAK PINOY sa larangan ng pampublikong pagseserbisyo sa larangan ng transportasyon.
Sa lingguhang KAPIHAN SA METRO EAST MEDIA FORUM na inorganisa ng PaMaMariSan-RIZAL PRESS CORPS kaagapay ang PINOY AKO advocacy group ay ipinunto ng PAGKAKAISA NG MGA SAMAHAN NG TSUPER AT OPEREYTOR NATIONWIDE (PISTON) na pinanghawakan umano nila ang sinabi ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR. noon sa MARIKINA na hindi tatanggalin ang traditional jeepney hangga’t ito ay compliant at maayos.
Naihayag ni PISTON NATIONAL PRESIDENT MODY FLORANDA na noong naupo si ATTY. TEOFOLO GUADIZ III bilang CHAIRMAN ng LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD (LTFRB) ay nagulat na lamang umano ang mga bumubuo ng kanilang samahan na nag-iba ang naging posisyon nito at iginigiit na ang mga TSUPER ay kailangang umanib o bumuo ng TRANSPORT COOPERATIVE upang makakuha o makapangutang ang mga ito ng mga MODERN JEEP na nagkakahalaga ng halos 2 milyong piso o mahigit pa.
Sa pamamagitan ni DEPARTMENT OF TRANSPORTATION SECRETARY JAIME BAUTISTA ay nagdaos ng konsoltasyon ukol sa MODERNIZATION subalit hindi umano inimbita ang PISTON at MANIBELA.., na ang mga inimbita ay yaon lamang mga nagbuo ng union o kooperatiba at pili lamang ang mga naimbitahan.
Ayon kay FLORANDA ay dapat na inimbita rin sila kapuwa ni MANIBELA PRESIDENT MAR VALBUENA na pareho silang sasalang bilang SENATORIAL CANDIDATE para sa konsultasyon hinggil sa usaping modernization program.., na aniya ay maisusulong ang nasabing programa na dapat ay mapanatili ang TRADITIONAL JEEPNEY at huwag isadlak sa malaking gastusin ang sektor ng mga namamasadang TSUPER sa ating bansa.
Bago ang pandemic ay may 100,000 ang miyembro sa buong bansa at 15,000 sa METRO MANILA na umaabot sa 48 ASSOCIATIONS at 17 CITIES ng NCR.., na noong ilabas ang MODERNIZATION EXECUTIVE ORDER ayon sa PISTON ay simple lamang umano ang ipinababago sa jeep na ang pintuan ay dapat nasa kanan daw at hindi sa puwitan o likuran dahil delikado na baka mabundol ang pasaherong sasakay o baba ng kasunod na sasakyan; itaas ang kisame ng jeep at palitan ng EURO 4 ENGINE at kailangan ay magbuo ng COOPERATIVE dahil kung hindi ay babawiin ng LTFRB ang mga INDIVIDUAL FRANCHISES.
Noong 1969 ay pinasimulan ang paggawa ng JEEP ng FRANCISCO at SARAO MOTORS at nariyan din ang MALAGUENA at FMC na ang naging kulang umano ay ang kawalang suporta mula sa Estado.
“Hindi po pinauunald ang sariling ekonomiya natin kung nag-iimport sa China o Japan. Dapat tayo ang gumawa ng sariling jeep.., Euro 4 engine ay mga surplus na engine sa mga pinanggalingan nilang bansa. Ngayon po sa 36 na minibus ay 7 na lang ang tumatakbo. Sumasabog ang gulong kasi malutong ang gulong. Ang minibus ay walang pyesa dahil hindi na nagpoproduys ang pinanggalingang bansa,” pagpapahayag ni FLORANDA.
Sa pagpupunto ni FLORANDA ay wala umanong problema sa PUV MODERNIZATION na dapat ay local.., ang mga electric vehicle ay hindi pwedeng tumakbo sa bahang lugar at ang ating bansa ay may tag-ulan at tag-araw na panahon na
dapat ay masusing pinag-aaralan ang batas. Hindi umano tayo katulad ng ibang bansa na may disposable na kahit ibaon ang baterya ay masusunog ang lupa at sisirain ang lupa kaya hindi safe sa environment.., na aniya ay mayroon tayong mining. Mayroon tayong carbon, yung ginagawang magnetic, lahat ng bakal at sangkap ng paggawa ng sasakyan ay mayroon tayo na ang kinakailangan ay ang suporta ng gobyerno para magmanupaktura ng mga sarili nating magagamit para makagawa ng mga modernong jeep na hindi maiaalis ang pagkakakilanlan bilang traditional jeep sa pagpapanatili ng TATAK PINOY!
Sa pananaw ng ARYA ay dapat nang pigilin ang kurapsiyon sa mga GOVERNMENT OFFICIALS natin na ang paggigiit sa paggamit ng IMPORTED VEHICLES ay isang sistema ng KURAPSIYON sa pamamagitan ng pangungumisyon sa mga inaangkat na sasakyan mula sa ibat ibang bansa…, sa halip ay pagtuunan ang paggamit ng ating MINERAL RESOURCES at palakasin ang ating LOCAL PRODUCTS dahil marami tayong mga FILIPINO COMPETITIVE INVENTORS na dapat ay ang PHILIPPINE GOVERNMENT at SAMBAYANAN ang magtamasa sa ating MINERAL RESOURCES!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.