Advertisers

Advertisers

2K pamilya naabo ang bahay sa sunog sa Tondo

0 39

Advertisers

Hindi bababa sa 2,000 pamilya ang nawalan ng tirahan sa matinding sunog na sumira sa residential community ng Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila, nitong Linggo, Nobyembre 24.

Ayon sa Manila Fire Department, humigit-kumulang isang libong bahay ang naabo sa sunog nang sumiklab 8:00 ng umaga.



Umabot sa Task Force Charlie ang sunog dahilan  upang rumesponde ang mga fire marshal sa buong rehiyon ng Metro Manila.

Tumulong din ang Philippine Air Force kung saan nagpadala ng dalawang aircraft upang umagapay sa pag-apula ng sunog habang apat na karagdagang fire boats ang pinakilos.



Karamihan sa mga natupok na bahay gawa sa light materials at maraming residente ang informal settlers.

Ayon sa BFP, isa sa dahilan ng mabilis na pagkalat ng apoy sa mga kabahayan ang malakas na hangin.



Nahirapan naman ang mga bumbero na pasukin ang lugar dahil sa napakaliit na daan na sinabayan pa ng mga residente na nagmamadaling lumikas sa sunog. Bagama’t nagkaroon ng pagkakataong pwesto sa MICT, kinailangan namang gumamit pa ng ladder bukod pa sa kinailangang sirain ang bahagi ng pader.

Karamihan din sa mga residente minabuting sa baybayin dumaan sa pamamagitan ng pamamangka, paggamit ng styrofoam dahil nasaraduhan na ng malaking apoy ang kanilang labasan.

Ilang bumbero din ang iniulat na sugatan dahil sa malaking sunog.

Samantala, ang ilan sa mga residente, nanuluyan sa Del Pan Evacuation Center.(Jocelyn Domenden)