Advertisers
Iyan ang matinding pag-uusisa ni QUEZON CITY CONGRESSIONAL CANDIDATE ROSE NONO LIN kung may KREDIBILIDAD nga ba bilang testigo si DISMISSED COLONEL EDUARD ACIERTO sa isinasagawang pagdinig ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) patungkol sa WAR ON DRUGS ng nakaraang DUTERTE Iyan ang matinding pag-uusisa ni QUEZON CITY CONGRESSIONAL CANDIDATE ROSE NONO LIN kung may KREDIBILIDAD nga ba bilang testigo si DISMISSED COLONEL EDUARD ACIERTO sa isinasagawang pagdinig ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) patungkol sa WAR ON DRUGS ng nakaraang DUTERTE ADMINISTRATION.
Ipinunto ni ROSE NONO LIN na si ACIERTO na dating PHILIPPINE NATIONAL POLICE ANTI-NARCOTICS UNIT ay nagawaran ng P10 milyon para sa kaniyang ikaaaresto ay nasangkot umano noon sa P11 bilyong halaga ng SHABU na isinilid sa MAGNETIC LIFTERS na natagpuan sa MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT (MICP) at sa WAREHOUSE sa CAVITE noong 2018.., bukod diyan ay kabilang umano ito sa kinasuhan sa pagbebenta ng mahigit 1,000 matataas na kalibre ng mga baril na nagkakahalaga ng P52 milyon sa mga rebeldeng komunista noong AQUINO ADMINISTRATION at sangkot din umano ito sa KIDNAPPING tulad sa SOUTH KOREAN BUSINESSMAN JEE ICK-JOO na natagpuang patay sa loob ng PNP CAMP CRAME noong October 28, 2016.
Ang pagkukuwestiyon ni ROSE NONO LIN ay dahil sa isinumiteng report ni ACIERTO noong 2019 sa noo’y PNP CHIEF OSCAR ALBAYALDE at sa noo’y PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA) DIRECTOR GEN. AARON AQUINO na ang asawa ng una na si LIN WEI XIONG (HONG KONG NATIONAL) at ang DRUG PERSONALITY na si ALLAN LIM ay iisang tao.
Sa nasabing report ni ACIERTO ay nadiskubre umano nito sa pamamagitan ng kaniyang informant na si EX-ECONOMIC ADVISER ni EX-PRES. DUTERTE na si MICHAEL YANG at ALLAN LIM (na ito rin daw si LIN WEI XIONG) ay magka-koneksiyon ang mga ito sa ILLEGAL DRUG TRADE.
Si EX-PDEA CHIEF WILKINS VILLANUEVA ay nagpahayag sa CQC na ang report ni ACIERTO ay “RAW” (HILAW) o UNVERIFIED at wala raw pruweba na ang mga ito ay sangkot sa ILLEGAL DRUG TRADE.., na ito naman ay kinontra ni ACIERTO sa pagsasabing hindi na inaksiyunan ang kaniyang report dahil ang PROTECTOR umano nina YANG at LIM ay mismong si EX-PRES. DUTERTE.
“If Acierto is really telling the truth, why doesn’t he come out and face the cases against him,” saad ni ROSE LIN na aniya, ang kaniyang asawa ay hindi nagkaroon ng warrant of arrest o anumang pending case sa korte
Acierto should man up. Face the music if you are really clean,” <span;>paghahamon ni ROSE LIN.
Mga ka-ARYA.., may punto rito si ROSE LIN na kailangang lumantad na si ACIERTO dahil bagong administrasyon na ngayon at kailangan ay personal na itong haharap at hindi sa pamamagitan lamang ng via zoom upang ipakita nito sa sambayanan ang sinasabi niyang PROOF laban sa asawa ng una.., na itong si ROSE LIN ang naaapektuhan sa kaniyang KANDIDATURA.., ika nga ay kailangang malinawan ang sambayanan kung ang asawa nito (LIN WEI XIONG) at ang sinasabing DRUG LORD na ALLAN LIM ay iisa nga bang tao o ginagamit na lamang itong panira sa kaniyang kandidatura bilang REPRESENTATIVE sa 5th DISTRICT ng QUEZON CITY sa ilalim ng PEOPLE’S REFORM PARTY?
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.