Advertisers

Advertisers

Gilas swak sa FIBA Asia Cup 2025 sa Saudi Arabia

0 11

Advertisers

PASOK na ang Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup 2025 sa Saudi Arabia matapos talunin ng New Zealand ang Chinese Taipei, 91-64, sa 2025 Qualifiers sa Wolfbrook Arena sa Christchurch, New Zealand Lunes.

Unang binogbug ng Gilas ang HongKong, 93-54, Linggo ng gabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City para makumpleto ang 2-0 sweep ng kanilang window homestand.

Carl Tamayo, na bihira gamitin sa Gilas’ upset 93-89 wagi kontra New Zealand sa Nobyembre 21 sa Mall of Asia Arena, nag stepped up at pinamunuan ang Gilas, sa 4-0 sa Group B, na may 18 points,six rebounds,at one assists.



June Mar Fajardo nagdagdag ng 14 points,eight rebounds, one assists,one block, at one steal, habang si Kai Sotto bumakas ng 12 points,15 rebounds,two assists,at two blocks.

Sam Waardenburg pinamunuan ang New Zealand, na umangat sa 3-1, sa iniskor na 16 points,13 rebounds, six assists,one block, at one steal.

Mohammad Gadiaga nagtala ng 14 points at three rebounds para sa Chinese Taipei, na nalaglag sa 1-3.

Sa resulta tiyak na hindi magkakaroon ng three-way tie sa 4-2 at ang Gilas ay sa loob ng Top 2 para sa Group B pagkatapos ng qualifiers.

Bukod sa Pilipinas (4-0 sa Group B), iba pang teams na nanateling undefeated ay ang Australia na 4-0 sa Group A, Japan (4-0 Group C), Jordan (3-0 Group D), Iran (3-0 Group E), at Lebanon (3-0 Group F).