KUMAMADA si OG Anunoby ng career-high 40 points,Jalen Brunson may 17 upang tulungan ang New York sa 145-118 wagi laban sa Denver Nuggets Lunes ng gabi Nobyembre 25 sa Denver.
Brunson nagdagdag ng 23 points at career-best assists performance. Ang Knicks 45 assists ay tinapatan ang single-game team rekord na tinala ng Cleveland noong Nobyembre 24.1979.
Karl-Anthony Towns umiskor ng 30 points at 15 rebounds.
Reserve Russell Westbrook umiskor ng 27 points at Nikola Jokic nagtapos ng 22 points at season-low seven rebunds para sa Denver.
Sa San Francisco, Dennis Schrooder umiskor ng 31 points, Cam Thomas nagdagdag ng 23 at ang undermanned Brooklyn Nets nagrally para durugin ang Golden State Warriors, 128-120.
Nagpasabog si Curry ng 3-pointer sa 3:26 nalalabi at umiskor ng 28 , points habang si Andrew Wiggins nagdagdag ng 18 points.
Jalen Wilson may 18 points para sa short-handed Nets sa road back-to-back matapos ang 108-103 wagi sa Sacramento.
Samantala sa Sacramento, Shai Gilgeous-Alexander umiskor ng 37 points at ang Oklahoma City Thunder’s bench ay may pinagsamang 40 points sa 130-109 wagi at dinugtungan ang losing streak ng Kings sa apat.
Jalen Williams umiskor ng 28 points at Isaiah Hartenstein nagdagdag ng 17 points para sa Thunder.
DeMar DeRozan nagtala ng 19 points sa first half at tinapos ang game sa 30 points para sa Kings.
Sa Memphis,Ja Morant kumamada ng 22 points at 11 assists sa kanyang pagbalik sa lineup matapos lumiban ng eight games dahil sa hip injury, pinamunuan ang Grizzlies sa 123-98 wagi kontra Portland Trail Blazerz.
Jaren Jackson Jr. umiskor ng 21 points, at Santi Aldama nagtapos ng 13 points at career-high 17 rebounds.
Deni Avdija pinamunuan ang Portland sa iniskor na 17 points,eight rebounds at six assists.Shaedon Sharpe nagdagdag ng 15 points para sa Trail Blazers.