NAGBULSA ng tig-3 gintong medalya si Sophia Rose Garra ng Malabon at Arvin Naeem Taguinota II ng Pasig sa swimming event ng 2024 Batang Pinoy Lunes.
Nakamit ni Taguinota ang kanyang 3rd gold matapos mangibabaw sa boy’s 200-meter backstroke sa 2 minuto at 19.88 segundo.
Nangibabaw rin ang 13-year-old tanker sa boys’ 200-m individual medley at 100-m freestyle events.
“Actually, we’re trying to do our best in our meet, we focus more on our performance rather than a medal, we’re happy for the turnout,” Wika ni Pasig head coach Jessie Lacuna.
Taguinota ay lalahok sa seven swimming events — 5 individual categories, at 2 relays.
Samantala, Sophia Rose Garra ng Malabon City nasilo ang kanyang 3rd gold nang mag reyna sa girls’ 200-m backstroke sa tiyempong 2:30.00.
Ang 12-year-old Garra ay binuksan ang kanyang unang araw na may two gold medals sa 200-m IM (2:31.82) at 100-m freestyle (1:02.61).
Lumahok rin si Garra sa 7 swimming events.