Advertisers

Advertisers

Ilang matataas na opisyal ng PNP Region 4B at NBI, binusog umano sa “intelihensya”?

0 23

Advertisers

MATAGAL nang inirereklamo ng simbahan at debotong namamanata ang mga salot na sugal sa mga peryahan na naging bisyo na ng mga sugarol at kabataan pero wala umanong ginagawang aksyon dito ang mga opisyal ng PNP Region 4B Mimaropa.

Ayon sa sumbong imbes na ilayo umano nina Oriental Mindoro Provincial Director PCol Edison Revita at PRO4-B MIMAROPA Regional Director PBGen Roger Quesada sa bisyo ang mamamayan ay tila itinutulak umano para magumon o malulon sa bisyong sugal na walang pinagkaiba sa droga na nakaka-adik din.

Anila kahit saang sulok ng nasabing probinsya lantad ang presensya ng sandamakmak na sugal sa perya tulad ng “drop ball baraha at color games” na humihigop sa pera na pinaghihirapan ng mamamayan.



Tinukoy nila ang gabi-gabi operasyon ng ilegal na sugal na parang kabute na nagsulputan sa mga bayan ng Pola, Victoria, Mansalay, Bongabong, Bansud, Bulalacao, Pinamalayan, Roxas, Naujan, Baco, San Teodoro, Socorro, Gloria, at Puerto Galera na inaabot ng madaling araw ang “gambling operation” ng walang kinakatakutan.

Ayon pa sa reklamo maraming kabataan at pamilya na ang napapariwara ang buhay bunga ng pagsusugal na imbes ipambili na lamang ng bigas ang kanilang pera, ay naitataya pa sa “color games at drop ball baraha” na ang “front” ay tradisyunal na Peryahan.

Sinabi ng source na parang mga patabaing baboy ang ilang opisyal ng kapulisan sa lalawigan ni Governor Humerlito “Bonz’ Dolor ang tumatanggap ng “intelihensya” at “goodwill” mula sa mga organisadong sindikato o samahan ng mga bigtime na peryante.

Malinaw rin umano ang paglapastangan sa Presidential Decree 1602 o anti-illegal gambling na inamyendahan ng Republic Act 9287 dahil maging ang tanggapan ni National Bureau of Investigation (NBI-MIMAROPA) Regional Director Atty. Gelacio “Gel” Bongngat ay PASOK na umano sa “weekly payola” sa pamamagitan ng mga nagpapakilalang kolekTONG na alyas Mike at Melvin.

Bukambibig rin ng grupo ng mga iligalista na “selyado” ang kanilang TIMBRE sa mga COP, PD, S2, R2 at RD. Pati nga raw sa LGUs ay plantsado na rin ang kanilang PAKIKISAMA na umaabot sa P1.8 milyon hanggang P2.5 milyon kada buwan ang kanilang gastos.

Kaya siguro “untouchable” ang gambling operation dahil PASOK pala lahat?



Ang tanong alam kaya ito nina Col Revita, Gen. Quesada at Atty Bongngat?

Gayunman naniniwala pa rin ang ilang sektor at simbahan na bumabatikos nito na hindi matutuldukan ng kapulisan ang pamamayagpag ng ilegal na sugal sa kanilang probinsya dahil ipinagmamalaki ng mga bigtime na peryante na BINUSOG nila sa timbre ang mga nabanggit na tanggapan.

Matagal nang talamak hindi lamang sa Oriental Mindoro kundi sa buong Region 4B o MIMAROPA ang illegal gambling.

Kaya panawagan natin sa mga nagpaabot ng reklamo sa PITAK na ito wag na tayong umasa na mapatigil pa ang salot at perwisyong sugal sa inyong mga lugar dahil ang mismong mga pinagkakatiwalaan ninyong mga lingkod bayan ay nasusuhulan pala kaya sa NPA na lamang tayo magreklamo baka sakali maaksyunan ito.

Katunayan sariwa pa rin ang isyu tungkol sa panghihingi ng “goodwill” at “weekly payola” ng mga PNP regional director, provincial director, at NBI regional directors sa naging Senate Hearing kaugnay sa reklamo ng mga organisadong iligalista (Peryante).

Sabi nga ni Senator Raffy Tulfo sa Senate Hearing, alisin na lamang ang “color games at drop ball baraha” sa Perya para iwas kotong!

Gusto kulang ipaalala kina General Quesada at Colonel Revita na kaakibat ng pamumuno sa organisasyon ay ang responsibalidad at ang mabigat na pananagutan ng mga nabigyan ng kapangyarihan sa bisa ng mandato ng “police service” ay may pananagutan batay sa doktrina ng “command responsibility”.

Kaya kung may pagpapabaya sa kanilang tungkulin ang mga nabanggit na PNP officials dahil sa di pag-aksyon ng mga ito laban sa mga peryang may sandamakmak na sugal ay pagpapabaya sa tungkulin ang tawag dito.
Samantala hindi lamang mga pergalan (perya-sugalan) ang talamak ngayong magpapasko sa Oriental Mindoro kundi maging ang presensya ng mga kubrador ng jueteng.
May kasunod pa…Abangan!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email [email protected]/[email protected].