INIHAYAG ng National Bureau of Investigation (NBI) na handang ipasa ng ahensya sa mga prosecutors ng Department of Justice (DOJ) ang mga ebidensya laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay may kaugnayan sa banta ng bise presidente kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay NBI director Jaime Santiago, marapat na makadalo sa kanilang opisina ang bise presidente para malaman ang kaniyang panig.
Hindi aniya kagaya ng House of Representatives Committee on Good Government and Public Accountability na ipinagpaliban ang pagdinig nila sa paggastos nito sa confidential funds.
Una rin na sinabi ni Duterte na kaniyang ipaprayoridad ang pagtungo sa imbestigasyon ng House of Representatives kaysa sa imbestigasyon ng NBI.