Advertisers

Advertisers

VP Sara humihirit ng advance questions sa NBI

0 14

Advertisers

SA pamamagitan ng liham ni Atty. Paul Lawrence Lim, legal counsel ni Vice President Sara Duterte, kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago nitong Biyernes, Nobyembre 29, hiniling ng kampo ng Bise Presidente ang mga sumusunod:

1) Isang malinaw na kopya ng reklamong inihain laban sa kanya o iba pang dokumento na may kinalaman sa imbestigasyon, kabilang ang lahat ng attachments kung mayroon man.

2) Mga katanungan na balak ninyong (NBI) tanungin sa kanya tungkol sa mga isinumiteng dokumento o usapin para sa inyong imbestigasyon.



Iniabot ni Lim ang liham nang hindi sumipot si VP Sara sa NBI headquarters kungsaan naghintay pa sa lobby si Santiago at iba pang opisyal ng tanggapan kasama ang media.

“On this, we must respectfully clarify that since she is evidently the very subject of your criminal investigation and not an ordinary citizen, our client enjoys the rights under our Constitution,” giit ni Atty. Lim sa liham.