Ni Archie Liao
TALK of the town ngayon ang bagong music video ni Regine Velasquez kung saan ni-revive niya ang soulful rendition ng kanta ni Nina.
Sa music video, akting na akting ang Asia’s Songbird kung saan kabatuhan pa niya ng linya ang dati niyang leading man at Kapamilya actor na si Piolo Pascual.
Sey ng kafaneyan, wala pa rin daw kupas ang reyna ng birit songs.
Ito ay kahit nalilinya siya ngayon sa pagkanta ng revival at hindi original songs.
Dagdag pa ng mga kate-katera, ang lakas daw ng chemistry ng dalawa.
Hirit pa nila, sana raw ay muling magsama ang dalawang hosts ng ASAP sa isang pelikula.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“THEY STILL GOT IT. HOPEFULLY MOVIE NA NEXT!”
“Woow, ang lakas tlga ng chemistry”
“I thought movie, ganda… i like this Miss Regine version, but i still love Nina’s version.”
“Bitin!!! Dapat may part 2 yung I Love You, Goodbye naman. Tutal into revival naman si ate mo Regine.”
“Ang acting skills ni madame, on point padin. Walang kupas.”
“Sana magsama uli sila sa isang pelikula.”
“Na-miss ko ang pagkanta niya ng OPMs. Sana bagong kanta at hindi na revivals.”
“In fairness, pareho silang walang kupas ni Papa P.”
Sina Regine at Piolo ay nagkatambal noon sa pelikulang “Paano Kita Iibigin”
***
Wicked, Conclave, at Highlight binigyan ng “PG” rating ng MTRCB; “R-13” naman para sa Kang Mak
INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang klasipikasyon ng mga pelikulang ipalalabas sa linggong ito.
Rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) ang “Wicked,” na halaw sa isang musikal at pinagbibidahan nina pop icon Ariana Grande at Cynthia Erivo.
Sina Board Members JoAnn Bañaga, Eloisa Matias, at Neal Del Rosario ang nagrebyu ng pelikula.
Sa PG, kailangang kasama ng mga magulang o nakatatanda ang edad 12 at pababa sa loob ng sinehan.
Rated PG din ang “Conclave,” na sumentro sa moralidad at pulitika sa loob ng simbahang Katolika, at “Highlight,” na hango sa konsert ng kilalang Korean band na Highlight.
Ang “Kang Mak” mula Indonesia ay hango sa Thai horror comedy na “Pee Mak,” ay Rated R-13 (Restricted-13). Ibig sabihin, edad 13 at pataas lamang ang pwedeng manood ayon sa desisyon nina BMs Jerry Talavera, Juan Revilla, at Frances Hellene Abella.
“Ating hinihikayat ang mga magulang na responsableng gabayan ang mga bata para sila’y matutong makapili ng angkop na palabas sa ating mga sinehan,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Sotto-Antonio.