Advertisers

Advertisers

Arthur binuking, Pauleen pinagselosan ng misis na si Rochelle

0 21

Advertisers

Ni Rommel Placente

SA guesting ng mag-asawang Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan, natanong sila kung sino sa kanila ang mas seloso o selosa.

“Pareho, eh. May stages lang noong una. Noong una, siya, grabe eh. Tapos na naman eh,” sabi ni Arthur.



“Basta kapag may show ako, kung sino ‘yung cast na babae, automatic pagseselosan. Usually. Lalo na kapag sexy, maganda.

“So, ako kapag nasa taping, ilang na ilang akong makita sa picture na kaming dalawa lang,” sey pa ng aktor.

Hirit na biro ni Rochelle, “Eh, paano, lagi kayong magkatabi!”

Kasunod nito, binanggit na ni Rochelle ang name ni Pauleen Luna, na isa raw sa kanyang pinagselosan. Sey agad ni Arthur, “Kasi may kissing scene. Kissing scene lang.”

Pag-amin pa ni Rochelle, galit na galit daw siya noon dahil dito. Natatawa pa niyang chika “Ako, hindi puwede. Ikaw, puwede?

“Eh, kasi sa kanya (Arthur) laging may issue kapag may katabi ka lang. Ito, magki-kissing scene kayo?” hirit pa ni Rochelle.



“Mali ko kasi, hindi ko sinasabi na may kissing scene,” sey naman ni Arthur.

Isa pa sa pinagselosan ni Rochelle ay si Janna Dominguez, na kasama ni Arthur sa sitcom na “Pepito Manaloto” sa GMA 7.

“Eh, kasi ang sexy sexy ni Janna. Tsaka maputi,” natatawang sabi ni Rochelle.

“Kasi laging katabi sa picture, tapos laging kasama sa eksena, tapos laging niloloko pa sa set,” dugtong niya

Ni-reveal naman ni Arthur na pinagselosan niya ang ilan sa mga dance partner at naging ka-love team ni Rochelle sa TV series na “Daisy Siete” sa GMA kabilang na riyan ang actor-model na si Victor Aliwalas.

“Loveteam siya. Siya ‘yung next ko. After ko, siya eh naging partner mo, so parang nagselos ako konti,” ani Arthur.

Ikinasal sina Rochelle at Arthur noong 2017 at biniyayaan sila ng isang anak, si Shiloh.

***

CHITO NAAAWA SA MISIS NA SI NERI

NAGBIGAY na ng pahayag ang lead vocalist ng Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda hinggil sa pagkakaaresto ng kanyang asawa na si Neri Miranda.

Nitong Miyerkules, November 27, nag-post ang singer sa kanyang social media account tungkol sa pinagdaraanan nila ng kanyang pamilya.

“Praying na ma-sort out na ang lahat ng ito…kawawa naman yung asawa ko[emojis],” panimula ni Chito.

“Never nanloko si Neri, at never sya nanlamang sa kapwa. Never siyang kumuha or nanghingi ng pera kahit kanino man.

“Alam ng lahat yan. Tulong lang sya ng tulong hangga’t kaya nya. Minsan kahit di na nakakabuti sa kanya.”

Kadalasan nga raw ay naaabuso na si Neri pero hinahayaan na lamang niya ito, basta alam niya sa sariling wala siyang ginagawang masama at ipinapasa-Diyos na lamang ang nangyari.

Giit pa niya, walang kasalanan si Neri. Isa lang itong endorser. Ginamit lamang ang kanyang mukha para makalikom ng investors.

“Tulad ngayon, endorser lang sya tapos ginamit yung face nya to get investors. Kinasuhan siya ng mga nabiktima.

Sey pa ni Chito, wala silang natanggap na kahit na anong dokumento tungkol sa criminal complaint laban sa kanyang asawa.

Inamin din niya na may mga naging kaso rin noon ang asawa dahil nga nasangkot ito sa insidente dahil sa pagiging endorser nito, ngunit na-dismiss din ang mga ‘yon.

“Yung mga dati, na-receive naman nya, at nag comply siya. 1Alam naman ng lahat na madali kami mahanap sa Alfonso. Anyway, dinampot na lang sya bigla. Nadismiss na ‘yung mga similar na kaso sa ibang lugar, and we’re praying na sana ma-dismiss na din ito.”