Ni Beth Gelena
SA Baguio nag-weekend ang family nina Solenn Heussaff at Anne Curtis.
Ibinahagi ni Solenn sa kanyang Instagram ang mga larawang kuha sa kanilang bonding moments sa Baguio.
Kasama ng Kapuso artist ang husband na si Nico Bolzico and their daughters Thylane and Maëlys, as well as Anne, her husband Erwan Heussaff, and their daughter Dahlia.
“Our country [is] showing off,” ani Solenn sa caption.
“Loved our little weekend in Baguio,” dagdag pa niya.
***
AYAW makialam ni Gerald Anderson sa isyu ng pamilya ng girlfriend na si Julia Barretto at sa ama ng actress na si Dennis Padilla.
Sa panayam ng The Men’s Room sa actor, sinabi niyang neutral siya at umaasa na maaayos ang alitan ng pamilya sa tamang panahon.
Inamin niyang tinawagan siya ni Dennis noong 2019 bilang isang concerned father para alamin ang katotohanan kung girlfriend na nga nito ang eldest daughter na si Julia na hindi naman niya itinanggi.
Binigyang-diin ni Gerald na suportado niya ang parehong panig ngunit hindi siya bahagi ng isyu ng pamilya.
Nagpahayag ang aktor kung ano ang kanyang posisyon kaugnay sa isyu sa pagitan ng pamilya ng girlfriend at ng ama nitong si Dennis.
Aniya, wala siyang planong makialam sa alitan ng pamilya.
Tinanong siya ni Janno Gibbs kung tinawagan nga raw ba siya ni Dennis?
“Oo, before,” sagot niya, ngunit binigyang-diin niyang hindi siya bahagi ng mga usapin ng pamilya.
Aniya, “Mas importante kung ‘yung as a family. Ako naman, outside ako but I support both sides kasi siyempre pamilya ‘yan. Hindi tayo pwedeng makisali diyan.”
Dagdag pa ng aktor, “Ako, just hoping… Siyempre, nakikita ko naman… you just pray and hope na maaayos ‘yan behind the scenes.”
Sa kabila ng mga isyung kinakaharap, nananatiling positibo si Gerald na darating ang tamang panahon para sa pagkakasundo ng pamilya ni Julia.