Advertisers

Advertisers

Bayani Agbayani Muling Makakasama Sa Sitcom Ang Kaibigang si John Lloyd Cruz

0 4

Advertisers

By ROMMEL PLACENTE

IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview niya, na may gagawin siyang sitcom na pagbibidahan ng ex-celebrity couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Makakasama rin nila rito si Rufa Mae Quinto.
Kuwento pa ng i Bayani, mapapanood daw ang naturang sitcom sa GMA 7 pero wala pa siyang idea kung kailan magsisimula ang taping. Aniya, uunahin daw muna ng Kapuso Network ang isa pa nilang sitcom.

“Kasi pala, ang patakaran ngayon, ipinapalabas muna sa streaming platform, sa Prime Video o sa Netflix, bago ilagay sa TV,” sabi ni Bayani

“Kahit yung mga soap, e. Ilalabas muna doon. Siguro, mas may kita. Pampadagdag doon sa ipo-produce,” aniya pa.

Ipinagmamalaki pa ni Bayani ni John Lloyd mismo ang pumili sa kanya para mapasama sa sitcom. Ito kasi ang line-producer.

“Matagal ko nang kaibigan si Lloydie. Nagkasama kami sa TFC, sa abroad. Nag-guest ako dati sa kanila sa ‘Home Sweetie Home.’

“Tapos kami na yung naging mainstay, di ba? Kami nina Vhong Navarro, Toni (Gonzaga), Alex (Gonzaga),” saad pa ng veteran comedian.

“Alam mo, nakakatuwa, ang sabi sa akin nu’ng producer at saka nu’ng writer, maraming-maraming salamat, Lloydie, kasi talagang napakabait nung tao.

“Sabi niya, ‘Hindi ko ito gagawin kung wala si Bayani at si Rufa Mae Quinto.’ Kaya sabi ko sa kanya, ‘Sige, sasamahan kita. Tutulungan kita. Tulung-tulong tayo!’” lahad pa niya.

Matatandaang nag-line produce at nagbida na rin si John Lloyd sa sitcom ng GMA 7 na “Happy ToGether,” na ipinalabas noong December, 2021.

Sa interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child actor na si BJ Forbes na hindi naging madali para sa kanya ang mga hinarap na pagsubok lalo na nang mawalan na ng projects sa showbiz.

Nang dumating siya awkward stage, dumalang na ang mga offer na trabaho sa kanya hanggang sa mawala nga ang pinaghirapang pera na ipinambili ng bahay ng kanyang nanay.

“Ang kuwento sa akin, bumili si Mama ng bahay using my money. Binili niya sa ninang ko. I’m not sure kung magkano talaga ang naibigay, but the worth nu’ng bahay, parang nasa P2.5, ganyan, to P3 million,”kuwento ni BJ.

“So, natirahan naman namin ‘yung bahay for a long time. Pero nu’ng namatay ‘yung ninong ko, biglang nagpupunta sa amin sa bahay yung mga anak nila.

“Binabawi ‘yung bahay. Parang sinasabi na may irregularities, ganyan.

“Ang sabi ni Mama, naloko siya, nawala ‘yung tamang titulo. But then, growing up, yun ‘yung pinaniwalaan ko eh, nu’ng panahon na ‘yun.

“Pero growing up, siyempre, nagtatanong din ako sa sarili ko na bakit namin hindi nailaban sa legal, kung totoong fully paid, kung ganyan. Baka meron ding stories behind that,” saad pa ni BJ na kinumpirmang pinalayas sila sa sarili nilang bahay.

Patuloy na kuwento ng aktor, “So, nu’ng panahon na ‘yun, at wala akong matakbuhan, na bakit ako pa rin ang kailangang humanap ng solusyon? Kasi ‘yung mga kapatid ko, wala rin naman silang kakayahan. And I understand that.”

Inamin din ni BJ na sumama ang loob niya sa ama, “Yung tatay ko, bakit wala? Bakit walang sumasaklolo? Bakit hindi man lang inalalayan si mama?

“So, nu’ng punto na ‘yun, nagalit ako sa kanya, tina-try ko ring intindihin kung saan siya nagmumula,” dagdag ng aktor na isa na ring tatay ngayon.

Patuloy niyang pagbabahagi, “So, du’n dahil nga nawala sa bahay, sustain na lang ‘yung projects na dumadating para sa pangailangan, du’n na ako parang nagsimula na ma-depress nu’ng walang income.

“Na parang, ang tingin ko sa sarili ko, I’m just something na ‘pag walang kuwenta, wala nang silbi, I can go. Parang ganu’n,” sabi pa ni BJ.