Advertisers

Advertisers

PNP nag-aabang ng warrant of arrest vs Sen. Marcoleta

0 3

Advertisers

WALA pang natatanggap na ‘warrant of arrest’ ang Philippine National Police (PNP) laban kay Senador Rodante Marcoleta.
Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson, Colonel Allen Rae Co, sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, matapos ang sinabi ni Marcoleta na mayroon na siyang warrant of arrest sa reklamong ‘plunder’ at ‘indirect bribery’ na may kaugnayan sa campaign funds.
Pero sabi ni Co, sinisiguro niya na isasagawa ang implementasyon ng warrant of arrest sakaling matanggap na ito ng PNP.
Sa inilabas namang statement ni PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr., sinabi niya na wala siyang ipinapalabas na ‘special operational directive’ laban sa Senador at hindi sila kumikilos base sa tsismis o hindi beripikadong impormasyon.
Una rito, sinabi ni Marcoleta na nakatanggap siya ng impormasyon tungkol sa posibleng paglabas ng warrant of arrest laban sa kanya kaugnay sa hindi pagsisiwalat ng P75 milyon na donasyon sa kampanya noong nakaraang halalan.(Mark Obleada)