Advertisers
NAKARATING na kaya sa kaalaman ng Palasyo na isa umanong prominenteng ‘opposition figure’ ang may patuloy na “pakinabang” sa isang ‘juicy transaction’ na epektibo pa rin ang kontrata sa ating ‘PAGIBIG,’ ang ahensiya na may kinalaman sa programang pabahay ng gobyerno.
Sa ngayon, ang PAGIBIG ay pinatatakbo pa rin ni Madam Marilene Acosta, isang CPA na kababayan ni ex-Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa Narvacan, Ilocos Sur.
Ito kaya ang dahilan—pareho sila ni PBBM mula sa Ilocos Region– kaya sa ginawang “pagpupurga” ng administrasyon sa mga nabigyan ng puwesto noon dahil kay ES Vic Rodriguez, hindi siya nadamay?
Oops! Hindi natin personal na kilala si Madam Acosta at sa pagsasaliksik lang natin nalaman na magkababayan sila ni Manong Chavit at malamang, dahil maliit na lugar ang Narvacan, ay ‘family friends’ pa.
‘But to be fair,’ wika nga, ilang dekada na sa PAGIBIG si Madam kaya sadyang alam na niya ang pasikot-sikot sa ahensiya.
Sapantaha tuloy ng mga miron, dahil sa kanyang mahabang karanasan sa loob ng ahensiya, “imposible,” anila, na hindi niya alam ang patuloy na pakinabang sa nasabing transaksyon ng nasabing dating mataas na opisyal sa Duterte administration?
“Sumadsad” na ngayon ang pakinabang ng mga Pinoy sa PhilHealth dahil sa mga pinasok nitong kontrobersiya kaya harinawang hindi rin madamay dito ang PAGIBIG na tahanan naman nila ang nasa peligro, “panalangin” naman ng mga miron.
“Bilyones” umano ang nasabing transaksyon at “milyones” naman (daw) ang regular na “parating” sa nasabing opisyal ni Digong kaya hindi masama kung “bungkalin” ito ng Office of the President at kahit ng Office of the Ombudsman, tama ba, mga kabayan?
Abangan!