Advertisers

Advertisers

Mayor, vice mayor, 11 pang opisyal sa Cebu kinasuhan ng Ombudsman ng graft

0 6

Advertisers

NAGHAIN ang Office of the Ombudsman ng kasong ‘graft’ laban kina suspended Minglanilla, Cebu Mayor Rajiv Enad, Vice Mayor Elanito Peña, 10 Sangguniang Bayan (SB) members, at isang municipal administrator sa Regional Trial Court sa Naga, Cebu.
Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ng Ombudsman na nakakita ito ng ‘probable cause’ para kasuhan ang mga opisyal ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay ng kuwestiyonableng pagtanggi sa planong rehabilitasyon sa Sitio Napo, Barangay Guindarohan, Minglanilla.
Ang mga konsehal na kinsuhan ay sina Oscar Cañares Dela Calzada Jr., Samuel Gordsin Adlawan Jr., Jesus Denoyo Velez, Jeremias Llanos Cañares, Jaime Secretarya Caumeran, Jenifer Dejan Lariosa, Proserfina Laput Fajutrao, Jenny Zafra Young, Petronilo Entera Traya at Rick Ryan Zafra, at ang Municipal Administrator na si Junrie Casquejo Bragat.
Na-dismiss naman ang reklamo laban sa SB Secretary dahil sa kakulangan ng merito.
Ayon sa Ombudsman, paulit-ulit tinanggihan ng lokal na pamahalaan ang Rehabilitation Plan na inihain ng Jomara Konstruct Corporation at Jomara Agri Foods and Supply Corporation matapos ang ulat ng ground cracks sa quarry area noong Disyembre 2021.
Sa kabila ng suporta at rekomendasyon mula sa Mines and Geosciences Bureau (MGB), Environmental Management Bureau (EMB), at Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), hindi pinayagan ang pagpapatupad ng plano.
Giit pa ng Ombudsman, nagpakita ng “evident bad faith, manifest partiality at gross inexcusable negligence” ang mga opisyal nang balewalain ang mga teknikal na rekomendasyon ng DENR at iba pang ahensya.
Napag-alaman din na nagbigay ang mga opisyal ng “unwarranted benefit, advantage or preference” sa ibang kakompetensiya, habang ang aksyon ng mga ito ay nagpa-tibay ng pagkakaroon ng “conspiracy” sa pagtanggi sa plano.
Kasalukuyang nasa ilalim ng isang taong preventive suspension ang mga kinasuhan na opisyal mula pa noong Pebrero.