Advertisers

Advertisers

NAKAWAN, TALAMAK SA QUEZON PROVINCE!

0 1,057

Advertisers

MATINDI ang problema ng mga mamamayang Pilipino dahil sa epekto ng pagtaas ng presyo ng langis, petroleum at  Liquefied Petroleum Gas (LPG) sanhi ng patuloy na digmaan sa pagitan ng  magkasanib na lakas ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran.
Habang may giyera ay sumisirit naman ang presyo ng  langis, petrolyo at LPG sa pandaigdigang merkado at ito ay may “domino effect” sa pagtaas din ng pangunahing bilihin sa ating bansa.
Lalong pinalala ang suliraning ito ng grupo ng mga magnanakaw at  tulisan sa CALABARZON  lalo na sa lalawigan ng  Quezon Province pagkat sa halip na mai-deliver ang langis, petrolyo at LPG sa lehitimong merkado ay naiimbak ito sa kuta ng mga magbuburiki sa probinsya ni Governor Angelina “Helen” Tan.
Quezon Gov. Angelina “Helen” Tan at Quezon PNP Acting Provincial Dir. Col. Romulo Albacea
 Kilala ang pangalan ng mga naturang magpapaihi sa alyas Amigo na nagkukuta sa Brgy. Ikirin sa bayan ni Pagbilao Mayor Gigi Portes; ng isang alyas Troy naman na nag-iimbak sa kanilang kuta sa Eco-Tourism Road, Brgy. Salinas ng mga nakaw na CME oil at mga produktong nagmumula sa mga oil mill  sa Lucena City.
Imposibleng malingid ang nangyayaring talamak na nakawang ito sa Pagbilao at Lucena City kina  Quezon PNP Acting Provincial Dir. Col. Romulo Albacea, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Provincial Officer Lt Col. Rix Villareal at sa mga police chief sa bayan ni Pagbilao Mayor Gigi Portes at Lucena City Mayor  Mark Alcala?
Makabubuting paimbestigahan nina Col. Albacea at Lt Col. Villareal ang isang alyas Richard na nag-iikot sa buong lalawigan gamit na panakot ang mga opisina nina Gov. Tan, Col. Albacea at Lt Col. Villarreal.
  Sa kanyang pag-iikot ay pinangangakuan ni alyas Richard  ang mga ilegalistang tulad nina alyas Amigo at Troy na hindi ipatitigil o huhulihin ng kapulisan sa Quezon ang ilegal na operasyon ng mga ito kapalit ng lingguhang Php 300K sa bawat mga tanggapan ng gobernador, Quezon Provincial Police Office at Quezon CIDG Provincial Office.
 Si alyas Amigo na nagpapakilalang opisyal ng Iglesia ni Kristo sa Lucena City at Pagbilao ay nakumpirmang walang katotohanan. Ginagamit na panakot lamang nito ang pangalan ng “kapatiran” upang malayang makapag-operate ng “pasingaw at  buriki/paihi.
 Bukod sa Pagbilao, Quezon ay may pasingaw/buriki din si alyas Amigo ng petrolyo at Liquified Petroleum Gas (LPG) sa Brgy. San Antonio, San Pablo City sa lalawigan ni Laguna Governor Sol. Aragones.
Ayon kay Quezon Governor Angelina “Helen” Tan ay hindi nito papayagang makapasok ang mga ilegalista sa kanilang probinsya lalo na ang mga salot sa ekonomiya na sindikato ng “pasingaw at buriki/paihi.
Ngunit kung ganitong dedma sina Col. Albacea, Lt. Col. Villareal, Major Oxina at Lucena Police Chief LtCol. Ryan Hernandez sa mga kabalbalan nina alyas Amigo at alyas Troy ay malamang na hanggang salita na lang ang sinabi ni Gov. Tan na di makakapasok sa Quezon ang naturang mga ilegalista? May karugtong…
***
Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144