Advertisers

Advertisers

MAGANDANG HINAHARAP NG 628 INSURGENCY-CLEARED BARANGAYS

0 3

Advertisers

PARA sa mga kabataang nasa malalayong lugar, ang pangangailangan sa pag-aaral ay nagmumula sa solid arslan. Kung wala kasi ito, paano sila matuturuan ng tama.

Sa pamamagitan ng Support to the Barangay Development Program o’ SBDP, ng Department of the Interior and Local Government (DILG) naipagpatuloy o’ nagagawa ang mga silid aralan at naibibigay sa mga kabataan ang tamang pagtuturo.

Dangan kasi, kaya naaantala ang mga ganitong mga pasilidad, ang mga nasa malalayong lugar, ang kinukubakob ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF. At nang puspusang labanan ng pamahalaan ang mga ito, naglinis ang maraming lugar sa kanayunan ng mga pesteng ito.

Dito na pumasok ang SBDP, at sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr., 645 school building projects na nagkakahalagang P2.36 bilyon ang napondohan ng SBDP, at nabiyayaan ang mahigit 714,000 na mga residente ng 628 barangay sa bansa.

Ang proyektong ito ay inaasahan pang makagagawa ng 782 silid paaralan sa mas malalayo pang mga lugar.

Sa kasalukuyan, 629 mga dilig aralan ang natapos na. At ayon sa DILG ang natitira pa ay nasa iba’t ibang kalagayan ng pagiimplementa. 35 dito ay nasa pre-procurement na, 42 naman ang nasa ilalim ng procurement, at 76 ay ‘under construction’ na.

Sabi ng DILG ang mga bagong silig aralan na mga ito, ay magbibigay sa mga kabataan ng ligtas at maayos na lugar para sa kanilang pag-aaral upang maituloy ang pangarap ng kani-kanilang pamilya para sa kanilang kinabukasan.

Palakpakan natin ang DILG sa tama nitong pamamahala sa pondo ng SBDP. Nakakasiguro tayo na ang ating mga kabataan ang magiging pag-asa ng ating bansa sa hinaharap.

Palakpakan din natin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sila ang naglinis sa mga lugar na ito sa kamay ng mga komunistang-terorista, at ang mga ahensiya ng pamahalaan na nagtutulong-tulong para maitaboy o’ maubos na ang puwersa ng magugulong CPP-NPA-NDF.

Kapag wala na talagang kaguluhan, at ang mga pesteng CPP-NPA-NDF, pihadong kaunlaran na ang kasunod.