Advertisers

Advertisers

MAS MARAMING KASO ANG MAAASISTEHAN NG PAO!

0 10

Advertisers

Bukod sa pagbibigay ng asisteng legal sa mga kababayan nating walang kakayahang pinansiyal para kumuha ng sariling abogado ay higit na makapagseserbisyo ang PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) sa pag-asiste upang mabigyan nang hustisya ang mga dumanas lalo na sa mga karumaldumal na krimen.

Ito ang isa sa naipunto ni PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA nang bisitahin nito ang ginagawang bagong gusali ng PAO na mahigit kalahating ektarya ang lote sa kalapit na kinaroroonan ng COMMISSION ON AUDIT (COA) sa COMMONWEALTH AVE., QUEZON CITY.., kung saan ay inaasahang sa kalahating-taon ng 2027 ay mauokopahan na ang nasabing gusali at makapagseserbisyo na sa mga mamamayang naghahangad ng hustisya mula sa iba’t ibang kriminalidad sa ating bansa.

“PAO does not have the fund allocation for the building construction. It is being downloaded by the Department of Budget and Management to the DPWH. I previously refused to handle the budget to avoid corruption within PAO,” pagpupunto ni ACOSTA.

Noong May 2017 ang PAO ay nagkaroon ng pakikipagkasundo sa DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS (DPWH) at sa NATIONAL HOUSING AUTHORITY (NHA) para sa paghahanda ng mga kaukulang pangangailangan sa disenyong arkitektura at engineering plans ng gusali na pinondohan ito ng P900 milyon sa ilalim ng 2018 budget.., kung saan ang magiging bagong gusali ay hindi basta maigigiba ng malakas na lindol at ito ay madali nang mapupuntahan ng publiko dahil ang harap ng gusali ay ang METRO RAIL TRANSIT 7.

Mga ka-ARYA.., ang bagong gusali ng PAO ay nakalaan para makapagbigay serbisyo sa mga mamamayan natin lalo na ng mga naghihikahos at walang kakayanang pinansiyal para sa pagkamit ng legal na hustisya. Ang gusali ay kapapalooban ng mga FORENSIC ROOMS para pagdausan ng AUTOPSY OPERATIONS upang madetermina ang naging sanhi ng mga kuwestiyonableng pagkamatay mula sa iba’t ibang kaganapan sa ating kapaligiran.

Isa sa mga sensitibong kasong inasistehan ng PAO ay ang DENGVAXIA CASE na kinakailangang isailalim sa AUTOPSY OPERATIONS ang mga nasawing bata para maikumpara kung ang mga naging epekto sa mga laman-loob ng tao ay humalintulad sa mga isinasaad sa preskripsiyong ginamit na gamot o yaong nagmanupaktura ng DENGVAXIA na panlaban dapat sa sakit na malaria. Ang autopsy operations ay isinasagawa ng PAO FORENSIC EXPERTS sa iba’t ibang mga punerarya.., subalit sa bagong gusali ng PAO ay mayroon nang FORENSIC ROOMS na pagdadausan ng mga pag-autopsy sa mga bangkay na kuwestiyonable ang naging sanhi sa pagkamatay.

Bunsod nito ay nananawagan si ACOSTA sa DPWH na madaliin at gawing polido ang paggawa sa bagong gusali para sa kapakanang maserbisyuhan ang MASANG PILIPINO para sa pagkamit ng mga legal na hustisya!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.