HINDI sumipot sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vice President Sara Duterte para magpaliwanag kaugnay sa kanyang mga naging pahayag laban kay Pangulo Ferdinand Marcos, Jr.
Sa kumpirmasyon ni NBI Director Jaime Santiago, hiniling ni Duterte sa ahensya na i-reschedule ang dapat sana niyang pagharap nitong Biyernes, Nobyembre 29, 2024, matapos siyang padalhan ng subpoena.
Paliwanag ni Duterte, sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty.Paul Lim, huli na nang malaman niya ang pagpapaliban ng Kongreso sa pagdinig kaugnay sa kanyang intelligence at confidential funds.
Muling itinakda ng NBI ang paghaharap ni Duterte sa Disyembre 11.
Nauna nang sinabi ni Santiago na maari nilang isumite sa Department of Justice ang mga ebidensya at dokumento laban kay Duterte kapag hindi ito humarap sa NBI.
Samantala, ipinahayag ng House Quad Committee na nitong Miyerkoles pa nila ipinaalam sa tanggapan ni Vice Pres. Duterte ang pagkansela sa kanilang pagdinig upang bigyang-daan ang imbestigasyon ng NBI laban dito. (J. Domenden)