Nauna nang isinampa ang grave coercion, direct assault, at disobedience to person in authority…PNP: MORE CASES VS DUTERTE!
Advertisers
MATAPOS sampahan ng mga reklamo direct assault, disobedience, at grave coercion si Vice President Sara Duterte at iba pa, sinabi nitong Linggo ng Philippine National Police (PNP) na maraming kaso pa silang isasampa dahil sa iba pang pangyayari.
Sinabi ni PNP spokesperson Brigadier General Jean Fajardo na ang mga naunang reklamo laban kay Duterte, Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) chief Colonel Raymund Dante Lachica, at iba pang John Does ay isinampa kaugnay ng kaguluhang nangyari nang si Atty. Zuleika Lopez ay “magkasakit” nang makulong sa House of Representatives.
“Inaasahan natin na may mga iba pa po tayong mga kaso maliban nga dito sa grave coercion, direct assault, at disobedience to persons in authority,” sabi ni Fajardo sa panayam ng Super Radyo dzBB.
Hindi binanggit ni Fajardo kung ano-anong mga kaso ang kanilang isasampa laban sa Bise Presidente.
Kamakailan ay nakipagtalo ang PNP sa aksyon ng staff ni Duterte nang makialam ang huli sa detention order ng House of Representatives, pati na ang panggugulo sa operasyon sa detention center at Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
Sinabi ng PNP na iginiit ng VPSPG personnel ang “forced transfer” kay Lopez mula sa VMMC patungo sa St. Luke’s Medical Center gamit ang private ambulance.
Sa kabilang banda, nagbanta naman si Duterte na magsampa ng kaso laban sa PNP dahil umano sa disobedience, robbery, at kidnapping.
Samantala, binigyang-diin ni PNP Chief, General Rommel Marbil, na ang mga kasong isinampa nila laban kay Duterte at iba pa ang hindi “politically-motivated” kundi pagsu-nod lamang sa mandato ng PNP na pagpatupad sa ‘rule of law’.
“The PNP remains committed to its mandate to enforce the law without fear or favor. The filing of cases against any individual, regardless of status or political affiliation, is a reflection of our duty to the Constitution and the Filipino people,” sabi ni Marbil sa isang statement.