ANG matataas na opisyal ng Department of Justice (DOJ) ay lilipad sa Jakarta sa Biyernes hanggang Linggo upang plantsahin ang mga detalye tungkol sa paglipat sa Pilipinas ni Mary Jane Veloso.
Sinabi ni Justice Undersecretary Raul Vasquez na pormal na humingi ng personal na pagpupulong ang gobyerno ng Indonesia sa pagitan nina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at ng Indonesian Minister for Human Rights and Corrections Yusril Ihza Mahendra.
Ayon kay Vasquez, isa sa kanilang mga pangunahing alalahanin ay ang pagtugon sa sentensya ni Veloso matapos itong ilipat dahil walang parusang kamatayan sa Pilipinas.
Nahatulan ng ‘drug trafficking’ noong 2010, si Veloso ay nasa death row sa Indonesia sa loob ng mahigit isang dekada.
Kamakailan lang ay inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na uuwi na si Veloso.
(Jocelyn Domenden)