Advertisers

Advertisers

DUKTOR NASAWI SA ‘KAPE’ NA PINADELIBER NG ‘PASYENTE’

0 47

Advertisers

INAALAM pa ang dahilan ng pagkamatay ng isang doktor, na agad binawian ng buhay nang inumin ang ‘drinks’ o kape na ipinadeliber ng kanyang ‘pasyente’ sa loob mismo ng kanyang klinika sa Malate, Manila.



Patay na nang idating sa Philippine General Hospital (PGH) ang duktor na si “Kis”, 43 anyos, isang aesthetic doctor.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, 3:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng klinika ng biktima.

Ayon sa maybahay ng biktima na si “Kaye”, nasa loob ng kanyang klinika ang mister nang dumating ang isang food delivery rider at naghatid ng ‘inumin’ na mula umano sa isang kilalang coffee shop.

Nang malaman ang naturang inumin na ipinadala ng isang alyas ‘Gladys’, nagsalita pa umano ang biktima, sinabing kilala niya ang pasyenteng nagpadala ng inumin.

Gayunman, nang tikman ito nagulat ang biktima sa kakaibang lasa ng inumin at sinabing: “Ano bang lasa nito? Tikman n’yo nga!”

Makalipas ang segundo, nagsuka ang biktima at nagtatakbo sa comfort room at doon na tuluyang nawalan ng malay.

Mabilis siyang isinugod sa PGH ng mga tauhan, ngunit binawian ng buhay.

Isinasailalim na sa awtopsiya ang biktima upang matukoy ang ikinamatay nito.