Advertisers

Advertisers

IKASA MO! KABATAAN PARTYLIST REP. RAOUL MANUEL

0 13

Advertisers

IKASA mo, Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel! Ang hamon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa banta ni Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel na kanyang kakasuhan ang task force.

Sa pahayag ng NTF-ELCAC, ang kaso na isasampa ni Manuel laban sa kanila, ay maglalantad lamang ng katotohanan na siya ay may kaugnayan sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Pinatutuloy nga ni Undersecretary Ernesto C. Torres Jr., Executive Director of NTF-ELCAC ang pagsasampa ng kaso ni Manuel laban sa task force para na rin daw lalong magkalinawan ng maigi, at mailahad ang mga ebidensiya na talagang ang Kabataan Partylist ay may kaugnayan sa CPP-NPA-NDF.



Ipinag-diinan pa ni Torres, ang sapat na ebidensiya nilang hawak, na mga sinumpaang testimoniya ng mga dating NPA sa isang hearing sa Senado at iba pang mga pagpupulong na si Manuel ay kaisa nila.

Ang ‘key witnesses’ na hawak ni Torres ay sina Arian Jane Ramos, dating Secretary ng Guerilla Front 55 ng NPA sa Southern Mindanao Regional Command, at si Justine Kate Raca, isang dating NPA political officer.



Sa sinumpaang salaysay ni Raca, nagsasaad na noon daw na siya ay miyembro ng UP Student Regent taong 2017, malaking papel ang ginagampanan ni Manuel, lalo na sa pagre-recruit ng mga estudyante para mapabilang sa CPP-NPA.

“He wasn’t merely a sympathizer—he was a key operative within UP,” ang sabi pa ni Raca.



Kaya ang hamon ng task force kay Manuel, sige isampa niya na ang kaso laban sa NTF-ELCAC.

Ang sa akin naman, malaki naman talaga ang tama nitong siRaoulo Manuel.