Advertisers
Mariin naming kinokundena ang iresponsableng ulat na lumabas sa isang news website na gumamit ng hindi beripikadong impormasyon, anonymous sources, at pangalan ng mga guro upang palitawin na kami ay sangkot sa isang reklamo tungkol sa umano’y vote buying.
Wala pong katotohanan ang ulat. Wala po kaming inilabas na opisyal na pahayag. Wala pong galing sa aming samahan ang sinasabing anonymous letter. At higit sa lahat, hindi kami nagparatang ng vote buying, ayon sa Marikina Federation of Public School Teachers.
Ayon pa sa nasabing grupo na ang tulong sa mga guro, gaya ng medical assistance, crisis support, at iba pang programang nakatuon sa kanilang kapakanan, hindi bago at hindi lang tuwing eleksyon ginagawa. Anila, matagal na itong bahagi ng mga regular na inisyatiba para sa mga public school teachers ng Marikina.
“Walang sapat na batayan ang ulat na lumabas, walang kumpirmadong grupo, at walang panig ng katotohanan. Isa itong uri ng paninira, hindi ito lehitimong pamamahayag,” dagdag pa ng Marikina Federation of Public School Teachers
“Hindi sapat ang simpleng pagtanggal ng artikulo.”
“Ginamit ninyo ang aming propesyon, ang aming dignidad, at ang pangalan naming mga guro sa isang kwentong walang integridad. Maging responsable. Maging accountable. Hinihingi namin ang isang malinaw, direktang ‘public apology’.”
“Mag guro kami ng Marikina. May dangal, may prinsipyo, at may tinig. At sa panahong binabaluktot ang katotohanan, hindi kami mananahimik,” pagwawakas ng Marikina Federation of Public School Teachers.