Advertisers
Ni Archie Liao
AYAW tantanan ng mga katkatera at sawsawera ang singer-actor na si James Reid kaugnay ng isang slant na diumano’y suportado niya sa pagtakbo ang isang senador na nagbabalik sa political arena pagkatapos na matalo noong 2019 national election.
Ito rin ang senador na suportado nina
Vice Ganda, Bea Binene, Bianca Gonzalez, Elijah Canlas, Janine Gutierrez, Pokwang, Sharlene San Pedro, at Kiefer Ravena.
Dahil nga may nag-ispluk na umano’y hindi nakaboto ng two consecutive regular elections, naiisyung na-disenfranchised si James ng Comelec.
Dahil dito, naookray ang Fil-Aussie musician sa kapasidad nitong isaboses ang boto niya para sa kanyang minamanok na senador.
Ito ang ilang hirit ng kibitzers.
“Paano niya ipapanalo ang kanyang senador eh di naman siya makaboto?”
“Oo nga di ba, na-disenfranchised siya kasi 2 times na siyang di nakaboto.”
“Sad naman kung true na na-disenfranchised siya.”
“He needs to reapply as voter of Makati.”
“Kaloka. Paano siya mag-eendorse ng kandidato kung di naman siya botante?”
Bukas naman ang pahinang ito sa panig ni James hinggil sa isyu.
***
MTRCB, Suportado ang muling pagpapalabas ng dalawang klasikong pelikula na “Magic Temple” at “Hiling”
SUPORTADO ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas ng dalawang klasikong pelikula na “Magic Temple” at “Hiling.”
Ito’y matapos bigyan ng angkop na klasipikasyon ng Board ang dalawang pelikula mula sa ABS-CBN’s “Sagip Pelikula.”
Rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) ang dalawang pelikula. Ibig sabihin, pwede ito sa pamilyang Pilipino at sa mga batang edad 12 at pababa na may kasamang nakatatanda.
Unang ipinalabas noong 1996, ang”Magic Temple” ay mula sa direksyon nina Peque Gallaga at Lore Reyes, na may temang pagkakaibigan, katapangan at mahika.
Ang “Hiling” (1998) ay mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes at pinagbidahan ng mga batang aktres na sina Camille Prats, Shaina Magdayao at Serena Dalrymple.
Tungkol ito sa isang batang babae na natutupad ang anumang kahilingan. Pagmamalasakit, pagiging hindi makasarili at aral mula sa ninanais ang ilang mapupulot sa pelikula.
Ang suporta ng Board ay bahagi ng pagsisikap ng MTRCB na maisulong ang mayamang pamana ng ating bansa mula sa sining ng pelikula.