Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
MASAYA si David Licauco sa pagiging guest housemate niya ng ilang araw sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab. Nakasama rin kasi niya ang matalik na kaibigan na si Dustin Yu na regular housemate.
Sa pagpasok niya sa bahay ni kuya ay inalala ng aktor na minsan na pala siyang nag-audition sa PBB taong 2015. Ito ang binahagi niya sa kaniyang Instagram.
Inaalala niya kung paano siya pumila ng mahaba pero iba marahil ang naging destiniy niya. Caption ni David sa kaniyang post, ”
“Crazy to think I once lined up for PBB auditions in 2015… and years later, I got to be a house guest. ”
Kahit naman ilang araw lamang na namalagi ang aktor bilang guest housemate ay binahagi niya ang karanasan sa loob. Para raw may “magic”
“It was different from what I imagined—may magic talaga sa loob ng Bahay ni Kuya. I may have been quiet, but I learned a lot about myself.”
Ang totoo raw walang makakaalam ng buhay sa loob jg PBB hangga’t hindi mo nararanasan mamuhay sa loob.
Nagpasalamat naman siya sa mga nakasama sa loob ng bahay kaya naman naging memorable rin para sa kaniya ang naging karanasan.
Sa labas ng bahay na sumuporta sa kaniya ay nagpasalamat siya at may mensahe rin siya sa mga nambash sa kaniya.
Sey niya, “Sa mga naboringan sakin, sorry na po! ??) With laughing emoji.
***
MATAGAL- tagal na ring hindi napapanood si Atasha Muhlach sa Eat Bulaga. Kaya naman nami-miss na siya ng kanyang mga faney. Iba rin kasi ang saya na dala ng anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales sa show. Ang kakikayan at natural na nakakatawa nito lalo na ang pananagalog niya ang nagugustuhan sa kaniya ng faney.
Pero mukhang wala pang kasiguruhan kung kelan nga babalik ang singer actress sa Eat Bulaga. Conflict of schedule kasi ang ibinigay na rason kung bakit wala siya sa naturang noontime show. Naka-focus muna raw kasi ito sa kaniyang unang pinagbibidahan na seryeng Bad Genius na adaptation ng Thailand movie at gagawin ngang serye. Ayon yan sa direktor na si Derick Cabrido.