Advertisers
Naaresto sa Navotas ang lalaking nakatala bilang Most Wanted Person (MWP) sa kasong Rape in relation to R.A. 7610 sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng Navotas City Police Station.
Ayon sa ulat kay Northern Police District Director PBGen. Josefino Ligan ni Police Chief PCol.Mario Cortes , alas- 5:15 ng hapon ng Biyernes nang madakip ng Intelligence Section sa bisa ng warrant of arrest sa Yangco Street, Barangay Navotas East, Navotas City ang akusado.
Nahaharap ang 35-anyos na lalaking sa kasong Rape in relation to R.A. 7610 ( child abuse) na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan na inisyu ni Hon. Emmanuel D. Laurea, Presiding Judge of RTC Branch 169, Malabon City, na may petsang December 8, 2008.
Kasalukuyang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility ng Navotas Police habang hinihintay ang order ng korte na mailipat ito sa City Jail.(Beth Samson)