Advertisers

Advertisers

Ate Vi lutang ang simpleng outfit sa SONA 2026; Senate Minority Block hindi dumalo, pero nagsuot ng black colors bilang protesta

0 3

Advertisers

By Beth Gelena

Kapansin-pansin ang simpleng tema ng SONA 2026 at walang red carpet tulad ng mga nakaraang SONA na lalakad sa red carpet ang mga guest.

Makikitang wala rin gaanong magagarbong kasuotan ang mga Senadora at Congresswoman.

Usap-usapan si Governor Vilma Santos sa kanyang kasuotan na eleganteng Filipiniana na may klasikong disenyo at malinis na silweta.

Hindi ito sobrang magarbo, ngunit kapansin-pansin ang pagiging pino at angkop sa pormal na okasyon. Ang kanyang minimalist na styling at accessories ay nagbigay ng dignified at timeless na dating.

Kung pagbabatayan ang mga fashion recap at reaksyon online, pasok si Ate Vi sa mga personalidad na itinuring na best dressed o well-dressed sa SONA ngayong taon dahil sa kanyang elegante at understated na kasuotan.

Mas pinaboran ngayong taon ang simple, dignified, at modernong Filipiniana kaysa sa magagarbong gown, alinsunod sa panawagan ng organizers para sa mas payak na SONA.

Samantala, Hindi um-attend sa SONA ang kapatid ni Pangulong BBM na si Imee Marcos.

Sa panayam ay nakasuot ng itim ang senadora bilang simbolo ng kanilang protesta.

Sinabi niyang nalulungkot siya dahil sa aniya’y pagkakakulong at pagsasampa ng kaso laban sa ilang kasamahan nila sa Senate minority bloc.

Dahil dito, siya at ilan pang senador ay nagsuot din ng itim at hindi na dumalo sa mismong SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bukod dito, ipinaliwanag din ni Imee na ang kanyang kasuotan ay gawa sa mga pinagtagpi-tagping retaso ng tela, na aniya’y sumisimbolo rin sa kasalukuyang kalagayan ng bansa.

Siya at karamihan sa Senate minority bloc ay hindi dumalo bilang anyo ng protesta.

\Lahat sila ay nakasuot ng itim bilang simbolo ng kanilang paninindigan.

Ang iba pang hindi dumalo ay ang magkapatid na senador na sina Allan Peter Cayetano at Pia.

Ayon kay Alan Peter mas pinili na lang daw niyang panoorin ang SONA ng Presidente.

Sinabi niyang ang hindi pagdalo ay pagsusuot ng itim ay ang kanyang simpleng paraan ng pagprotesta.

Hindi rin dumalo si senador Loren Legarda at senador Robin Padilla.