Advertisers
By DOMINIC REA
Supalpal na naman si Vice Ganda dahil sa maling ginawa nito sa isang dancer nila sa kanilang daily noontime show. Binugahan niya ito ng tubig mula sa kanyang bunganga!
Patawang laro lang daw sana ito sa naturang noontime show pero hindi ito nagustuhan ng madlang pipol! Kaya bashing ang inabot ni Kabayo! Mali nga naman ang kanyang ginawa. Dapat naging sensitive siya. Kaya ayon, nanghingi ng paumanhin na naman.
Ganyan naman si Vice, gawa ngayon, sorry later ang gawain! Kung anu-ano nalang sinusuong ni Vice! Mabuti nga’t bati na sila ni Vic Sotto. Pero feeling ko kay Jessica Soho, hindi yan mapapatawad! May parinig na siya na beke nemen eme! Pakiramdam ko, matagal pa yan! Pakiramdam kasi ni Vice ay nasa Comedy Bar parin siya!
PUMATOK ANG TAMBALANG JAMES REID AT KATHRYN BERNARDO
Sa latest series nilang Someone Someday ay umariba ito sa ratings. Ganoon din ang milion views eme nito. Ibig sabihin, tanggap na ng kani-kanilang fans and followers ang puntong pakikipagtrabaho nina James at Kathryn sa iba’t ibang stars tulad nila. Tama lang naman.
Aminin nating nakulong din sa loveteam ang dalawa ng ilang taon sa kanilang buhay huh! Kaya naman, palong-palo ang SS series nila kung saan mukhang lalo pa itong aariba sa ratings huh!
Well, parehong maganda at guwapo tapos parehong masaya ang lovelife! Kaya naman positivity reacted talaga na nagreresulta ngayon ng goodvibes sa dalawa!