Advertisers

Advertisers

Julia freelance artist na

0 2

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Sa isang interview , sinabi ni Julia Barretto na open na siya sa opportunities kung saan merong magandang acting offers sa kanya.

Ibig sabihin ay hindi na siya nakatali sa anumang kontrata sa Viva, ang huli niyang talent management company.

“It’s a good time in my life to be able to explore and work with everyone kasi lahat may magandang istorya, and gusto ko ma-grab opportunity na ‘yun kapag naisip nila ako para sa proyekto,” aniya.”Wag natin gamitin iyung word na [freelancer] ‘yun. Gamitin natin na open to opportunities,” pahabol niya.

Nilinaw din niya na naging maganda ang hiwalayan nila ng Viva at maging ng Star Magic nang lumipat siya ng management.

“I don’t wanna burn bridges you know why—sa lahat ng network, management production house, naalagaan ako, naprotektahan ako, naging mabuti and sobra akong grateful,” lahad niya.

Sey pa niya, gusto pa rin daw niyang makagawa ng proyekto sa Viva, ABS-CBN at iba pang film outfits.

Hirit pa niya, aminado raw siyang mapili na sa roles na in-offer sa kanya.

“Ginusto kong mas maingat sa susunod kong gagawin. Gusto kong maging masaya sa proyekto na gagawin ko. I want to finish the project na fulfilled ako na may impact siya sa akin. So naghintay ako ng tamang timing,”bulalas niya.

Masaya naman siya na dumating ang offer sa kanya na gumawa ng horror movie sa isang kilalang film company.

“I guess timing is everything and everything happens for a reason, sometimes it’s good to take a pause para malaman mo iyung direction na gusto mong puntahan,” pagtatapos niya.