PHP 90-BILLION INSERTIONS NG GRUPO NI SPEAKER ROMUALDEZ SA 2025 BUDGET, IBINUKING NI CONG.TOBY TIANGCO!
Advertisers
Makaraan ang dismal showing and performance ng Team Bagoong Alyansa nitong nagdaang halalan sa senatorial race na isinisisi kay Team Bagoong Alyansa campaign manager,Navotas Congressman Toby Tiangco,nagsalita na sa publiko si Cong.Tiangco at ibinato pabalik ang sisi sa liderato ng Kamara at sa mga asong galisin cum kongresista ni Speaker ROMUALDEZ.
Self- inflicted ang naging pagkatalo ng mga kandidato senador ng administrasyon dahil sa pinilit ng GRUPO ni Romualdez ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Very untimely at napaka- BOBONG galawan.
Dahil lamang ito sa kuwartang nagmumula sa insertions at conditional release ng bilyong pondo para sa bawat mambabatas na lalagda pabor sa impeachment laban sa bise presidente.
Ang mga kongresista namang di pipirma ay iipitin ang pondo para sa kani-kanilang distrito.
Tahasang sinabi ni Tiangco na isa siya sa mga mambabatas na di pumirma sa impeachment laban sa Bise Presidente dahil naniniwala siyang wala itong idudulot na kabutihan sa bansa at sa mamamayang PILIPINO na nahaharap sa napakaraming problema at pagsubok.
“Masyadong divisive at madugo ang ang isang impeachment case considering na may nalalapit at nakasalang eleksyong magaganap.
Sinabi ko ito sa Pangulong Bongbong Marcos kung kaya’t di rin ito kumbinsido at pabor sa nais mangyari ng GRUPO ni Romualdez sa pagsasampa ng impeachment laban kay VP Sara Duterte.
Sinabi ni Cong.Toby na nakikita lang nitong direktang mabibiyayaan ay ang ambisyong pagtakbo ni Romualdez bilang Pangulo sa 2028 presidential elections kung saan ang bise presidente ang pangunahing contender at llamadong kandidato.
It seem na ang agenda is eradicating and erasing VP Sara from the picture sa 2028 presidential elections.
“As simple as that”!
Ilang din umano sa mga sipsip kay Romualdez na mga kongresista ang nangungulit na i- release na ng Malacanang ang pondo na nasa ilalim ng conditional release dahil naipangako na raw umano ni Speaker at ng GRUPO nito ang pondo para sa mga kongresistang lumagda at pumabor sa impeachment case.
Wala umanong ganitong usapan ibinulgar pa ni Tiangco at direkta rin umanong itinanggi ito ng Pangulong Marcos Jr.
Sa maikling salita,para lang mapapirma ni Romualdez at ng mga aso nito ang kanilang mga kapwa kongresista sa impeachment versus Sara Duterte,gumawa ang mga ito ng kuwento at senaryo patungkol sa conditional transfer na malayo sa katotohanan.
Ibinulgar rin ng Navotas solon na may umaabot pa sa mahigit Php 90-billion ang hinahabol pa ng mga buwayang kongresistang pumirma sa impeachment laban sa bise presidente.
Sa makatuwid,mistulang nabudol pala ng GRUPO ni Speaker Romualdez ang kanilang mga kapwa mambabatas na nagpautong lumagda sa impeachmwnt complaint.
Sinabi pa ni Cong.Toby na mahigpit na inaalam.ng Pangulong MarcosJr ang mga items sa ilalim ng conditional release kung legit nga ba o gawa- gawa lamang ng ilang buwayang kongresista.
Bago humarap sa media nitong weekend si Cong.Toby,una nang nagpa- press con ang mga alipores na aso ni Romualdez na tila insecured at paranoid na sa posibleng pagpapalit sa liderato ng papasok na 20th Congress.
Ipinagyabang ng mga asong galisin ni Romualdez na may sapat o higit pa silang bilang sa partido Lakas na umaabot ng lagpas 100 na nananatiling loyal kay Romualdez para mapanatili itong Speaker at lider ng papasok 20th Congress.
May tsismis din na ang posibleng humamon sa liderato ni Romualdez sa Kamara ay itong si Congressman Toby Tiangco na may ilang dekada nang kaibigan at confidante ni Bongbong Marcos.
Kung si presidential sister at Senator – elect Manang Imee Marcos ang tatanungin,laan umano nitong ikampanya nang all- out at personalan sa mga mambabatas si Toby Tiangco na may ilang dekada ng kaibigan ng pamilya Marcos at subok na ang katapatan at malasakit sa kanilang magkakapatid at sa kanilang ina,dating Unang Ginang.Imelda Marcos.
“No point of comparison”, pagdidiin pa ng Senadora Imee.
Doon na ako sa tapat na kaibigan kesa sa ambisyosong kaanak nga na traydor at manggagamit (USER) naman!
“Siya ang tunay na MANGGA hindi ako… INDIAN MANGGO nga lang kaya namimilog sa taba”, pagtatapos pa ni Sen.Marcos!
Oh ha, from the horses’ mouths narinig nyo na!
Recorded yan at naka- post sa social media.
Naalala ko tuloy bigla si Tita Clair Castro.
Sina Senator- elect Imee Marcos at Cong.Toby Tiangco naman ngayon ang aakusan nitong ” fake news” .
Basta may negative articles at banat sa kanyang amo,kahon na kahon na ang sagot ni Tita Claire.
Di natin alam kung tinatamad na lang mangatwiran ng mas katanggap- tanggap o talagang inihanda na ang sarili sa kultura ng pagsisinungaling?
Majority comments nga ng mga miyembro ng Malacanang Press Corps.,
” worst presidential spokesperson Palace ever had”!
‘Yun na!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com