Advertisers

Advertisers

Isa pang opisyal ng OWWA sinibak na rin sa pwesto dahil sa P1.4B land deal

0 7

Advertisers

INIHAYAG ng Malakanyang nitong Miyerkules na sinibak na rin sa puwesto si Overseas Workers Welfare Administration deputy administrator Emma Sinclair dahil sa umano’y maanomalyang land acquisition deal na pinasok ni dating OWWA administration Arnell Ignacio.

Ito ang ibinunyag ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa isang press briefing.

Ayon kay Castro, sinibak sa kanyang puwesto si Sinclair dahil sa pagkawala ng tiwala at kumpiyansa kaugnay ng P1.4 bilyong land acquisition deal.



Sinabi ni Castro na dapat itong magsilbing babala sa lahat ng mga lingkod-bayan na lahat sila ay tatanggalin sa trabaho kapag hindi nila ginampanan ng may katapatan ang kanilang tungkulin.

Nauna nang sinabi ni Ignacio na magsasalita siya sa proper forum.



Nauna nang sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na nangangalap sila ng karagdagang impormasyon tungkol sa maanomalyang deal, na hindi umano awtorisado ng OWWA board, bago magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga sangkot.

Ang P1.4-billion land purchase deal sa ilalim ng pamumuno ni Ignacio ay dapat para sa isang halfway house o dormitory-type na akomodasyon ng mga overseas Filipino workers na matatagpuan malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, OWWA administrator Patricia Yvonne “PJ” Caunan.



Sinusuri pa rin ng DMW kung dapat ituloy o hindi ang proyekto, sabi ni Secretary Hans Leo Cacdac. (Vanz Fernandez)