Advertisers

Advertisers

June 6, regular holiday para sa paggunita ng Eidl’l Adha

0 158

Advertisers

IDINEKLARA ng Malakanyang na regular holiday sa buong bansa ang Biyernes, Hunyo 6, bilang pagdiriwang ng Eid’l Adha o Pista ng Sakripisyo.

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Proclamation 911 nitong Miyerkules, na ang kopya nito ay nai-post sa Official Gazette website nitong Huwebes.

Ang Eid’l Adha, isa sa mga pangunahing holiday para sa mga Muslim, ay ginugunita ang pagpayag ni Propeta Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak upang sundin ang utos ng Diyos.



Ang pagpapalabas ay kasunod ng rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos na ideklarang holiday ang Hunyo 6 para payagan ang mga Filipino Muslim na makasama sa paggunita.

Ang mga Muslim na Pilipino ay binubuo ng humigit-kumulang 6 na porsyento ng populasyon. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">