Advertisers

Advertisers

Passport ni Roque ipakakansela ng DOJ

0 8

Advertisers

INANUNSYO ng Department of Justice (DOJ) na kanila ng planong hilingin na maipakansela ang pasaporte ni Atty. Harry Roque.

Kung saan balak ng naturang kagawaran na maisakatuparan ito kasabay ng mga isyung kinakaharap ng dating presidential spokesperson ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ngayo’y nasa bansang The Netherlands.

Ito mismo ang ginawang kumpirmasyon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nang matanong hinggil sa sitwasyon ng kaso ni Atty. Harry Roque.



Ang naturang abogado ay kasalukuyang nasa labas ng Pilipinas partikular ng bansang The Netherlands kung saan dumulog siya sa gobyerno nito para sa isang asylum application.

Bunsod nito, ibinahagi ni Remulla na kung sakaling tuluyan ng makansela ang hawak na pasaporte ng dating presidential spokesperson ay ituturing siyang ‘undocumented alien’.



Na aniya’y magdudulot ng ‘deportation’ kay Atty. Harry Roque at mapapabalik ng muli sa bansa kung saan meron itong kinakaharap na mga kaso.

Ngunit sa kabila nito ay mariin pa ring naninindigan ang panig ng abogadong si Roque na wala umanong magagawa pa ang pamahalaan para siya’y mapaaresto.



Giit kasi niya na mayroon pa siyang nakabinbin na aplikasyon ng asylum sa naturang bansa kaya’t hindi siya maaring basta lamang na maipa-deport pabalik ng Pilipinas.