Advertisers
Ni Archie Liao
NAGBAHAGI ang Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda hinggil sa kanyang naging karanasan noong nakaraang taon.
Aminado kasi ang singer-composer at OPM icon na humarap sila sa matinding pagsubok last 2024.
Ito ay pagkatapos na maaresto ang kanyang asawang si Neri Naig on counts of syndicated estafa at dahil sa violation on Securities Regulation Code kung saan nag-enganyo umano ito ng investors.
Aniya, dahil naniniwalang inosente ang misis ay hindi raw talaga niya ito iniwan.
“I never left her side. Talagang siyempre there were parts that I wasn’t allowed to be there with her. I’ll be outside lang,” pagbabalik-tanaw niya. “So basically I left (home) na tumira ako sa police station for the whole duration. That was around two weeks. I never went home. Hindi ako umuwi hanggang hindi kami sabay umuwi,” dugtong niya.
Sey pa niya, ang kanyang wais na misis daw ay nasa proseso pa ng recovery sa traumang inabot nito sa kanilang legal battle.
Sa panayam sa kanya, nagbigay din siya ng payo sa kanyang mga anak tungkol sa kanyang natutunan sa nasabing karanasan.
“First maging kind. Maging mabait lang even when the world is not kind. Kasi kahit we’re so exposed sa social media, akala masama mga tao. When you go sa real world, the world is still beautiful,” hirit niya. “Just to have faith na kung anuman mangyari, kung ano ang pinagdadaanan mo, everything happens for a reason,”pahabol niya.
Matatandaan noon lang Marso ay pinalaya si Neri ng Pasay City Regional Trial court dahil sa procedural defect sa prosecution sa kanya sa Dermacare/Beyond Skin Care Solutions scheme.
***
Apat na pelikula ngayong linggo, swak para sa pamilyang Pilipino
TIYAK na ikatutuwa ng pamilyang Pilipino na panoorin ang apat na pelikula ngayong Linggo na nabigyan ng angkop na rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Ang pambatang pelikula na “Lilo & Stitch,” mula sa Walt Disney Pictures, ay rated G (General Audience). Ibig sabihin pwede ito para sa lahat anuman ang edad.
Tatlong pelikula naman ang rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang), angkop para sa manonood edad 12 at pababa basta’t may kasamang magulang:
– Ang “Mission: Impossible-Final Reckoning,” ang ika-8 pelikula ng action-spy franchise, na pinagbibidahan ni Tom Cruise. Ito ay nirebyu nina MTRCB Board Members (BMs) Juan Revilla, Robert Andrews at Jose Alberto V;
– Ang “Daniela Forever,” isang Spanish-Belgian co-production na unang ipinalabas sa 2024 Toronto International Film Festival. Tungkol ito sa isang lalaki na ginagamit ang panaginip para makasama muli ang namayapang minamahal. Nirebyu nina BMs Andrews, Alberto at Neal Del Rosario; at,
– Ang gawang pinoy na “Conmom,” isang komedya na pinagbibidahan nina Kaye Abad, Paolo Contis, Patrick Garcia at Empoy Marquez, ay tungkol sa isang ina na nagbalat-kayo para lang makasama ang kanyang nag-iisang anak. Nirebyu nina BMs Cesar Pareja, Angel Jamias at Jan Marini Alano.
Paalala ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio sa mga magulang na mahalaga ang paggabay sa mga pinapanood ng mga bata.
“Importante ang gabay ng magulang pagdating sa pag-intindi ng mga bata sa iba’t ibang eksena na posibleng makalito sa kanila,” sabi ni Sotto-Antonio. “Hinihikayat natin ang pamilyang Pilipino na manood at nakasandal sa responsableng panonood.”