Advertisers

Advertisers

P1-M SA ULO NI EX-COL. DUMLAO

0 69

Advertisers

INANUNSYO ni Executive Secretary Lucas Bersamin at ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang pagbigay ng P1 million reward sa makapagbibigay ng impormasyon para sa ikaaaresto ni dating Police Lt. Colonel Rafael Dumlao III, ang umano’y mastermind sa pagpatay sa South Korean businessman sa loob ng national police headquarters noong 2016.

Sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group chief Major General Nicolas Torre III na mayroon nang leads ang mga imbestigador kung saan nagtatago si Dumlao.

“Sa ngayon naman ay may mga traces tayo sa dalawa niyang asawa, so tinitignan natin ang mga puwede nating mapagsimulan sa paghahanap sa kanya,” sabi ni Torre.
Si Dumlao ay nagtatago simula nang i-convict siya ng korte sa pagpatay sa negosyanteng businessman na si Jee Ick-joo. Ang pagpatay ay naungkat uli sa nakaraang pulong sa pagitan ng Pilipinas at South Korean officials, sabi ni Bersamin sa panayam ng media.



Sinabi ni Torre na walang rekord ang Bureau of Immigration na lumabas ng bansa si Dumlao.

Pero hindi isinasantabi ng mga awtoridad ang posibilidad na nakalabas na ito ng bansa. Ang Philippine National Police (PNP) ay nakikipag-ugnayan na sa International Criminal Police Organization (Interpol) para sa pag-isyu ng ‘Red Notice’ para maalerto ang mga miembrong bansa at maaresto ang puganteng dating opisyal ng pulisya.



“Sa verification natin sa BI wala pa naman exit na nakita… We are asking the Interpol to issue the Red Notice para sa lahat ng member countries,” sabi ni Torre.

Bunga ng matinding pressure mula sa South Korean government at local Korean community, ginagawa ngayon lahat ng mga opisyal ng Pilipinas ang kanilang pangako na mabigyan ng hustisya ang pamilya ng biktima.



“Lagi namang pina-follow up ng Korean Embassy sa atin iyan… we really commiserate with their situation and we are exerting all our efforts to ensure justice is given to the deceased,” diin ni Torre. “We are relentless in the pursuit of Mr. Dumlao kasi isa nga ito sa heinous crimes in recent memory.”

Umapela rn si Torre kay Dumlao at sa kanyang pamilya.

“Abogado naman siya, I think it’s about time that he face the music, he can defend himself in the court of law,” sabi ni Torre.

“Harapin niya nalang ng nasa kustodiya siya ng estado… baka may iba pang magka-interes sa buhay niya dahil diyan sa 1 million [reward] na iyan,” babala ni Torre.