Advertisers
Ni Jimi Escala
MAY katotohanan kaya ang tsikang hiwalayan blues nina Gerald Anderson at Julia Barretto, huh!
Ito ang obserbasyon ng nga taong nasa paligid nila. Nagkanya-kanya na raw lakad ngayon ang dalawa.
Dagdag pa raw ang ginawang pagbura ng dalawa sa mga larawan na magkakasama sila sa Instagram pages nila, huh!
Well, sa totoo lang naman kung ilang beses na rin naman nagkaroon ng isyu na hiwalay na ang dalawa di ba?
Pero ang ending nagkaayos din naman at na patch nila ang hidwaan.
Ayon pa sa source namin ay iba na raw ang sitwasyon ngayon nina Gerald at Julia.
Mukhang malalim daw ang pinag ugatan ng tampuhan at maaring hahantong na raw sa tuluyang paghihiwalay, huh!
Pero sa mga nakausap naming taga showbiz ay maaring gumagawa lang daw ng ingay sina Gerald at Julia, huh!
Hindi na raw kasi gaanong hot topic ang dalawa, huh!
***
WALANG katotohanan daw ang isyu kina reelected Bulacan Governor Daniel Fernando at Kim Rodriguez, huh!
Ito ang tsika sa amin ng nakausao naming staff ni Gov. Daniel.
Siyempre itinanggi rin niya ang isyung binigyan ng kotse ni Gov. Daniel si Kim at pati na rin sa sinasabing isang milyong allowance ng huli mula sa una, huh!
Paliwanag pa rin ng kausap namin na bahagi raw yun sa mga ginawang paninira kay gobernador ng mga nakalaban sa pulitika, huh!
“Wala kasi silang makuhang isyu sa dalawang terminong pagiging gobernador ni Gov,” sey pa ng staff.
Samantala, landslide ang pagkapanalo ni Gov. Daniel, tinambakan nila nang husto ng ka tandem niyang si VG Alex Castro ang mga katunggali.
Now on his 3rd and last term may balak kayang tumakbo sa higher position si Gov. Fernando?
“Di pa po namin alam, basta sa ngayo tutok muna siya sa nga projects at mga gagawin pa niya sa buong Bulacan,” sey pa ng kausap namin.