Advertisers
Arestado ang isang lasing na lalaki, ng mga tauhan ng San Miguel Pulis, nang magwala bitbit ang isang improvised na baril sa Brgy, San Vicente sa Bulacan.
Sa report na tinanggap ni OIC Bulacan PNP Provincial Director PCol.Franklin Estoro, kinilala ang suspek na si alyas Allan nasa hustong gulang residente sa nabangit na lugar.
Base sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, 12:10 ng madaling-araw, Mayo 27 nang mag-amok habang iwinawasiwas ang dalang baril ng lasing na lalaki.
Samantala, detenido ngayon ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at sa Omnibus Election Code.(Thony D. Arcenal)